Kabanata 19

1224 Words
Simula umaga hanggang huling subject ay hindi ko magawang magfocus ng maayos sa bawat klaseng nagdaan. Mabuti na lang at wala masyadong lesson na idiniscuss, sayang 'yon kung sakali dahil sigurado akong wala akong maiintindihan sa mga 'yon. Masyado akong distracted sa ngayon. Sa sumunod na tatlo pang araw ay ganon pa rin, hindi ko nagawang intindihin ng maayos ang bawat lesson dahil sa dinami-rami kong iniisip. Mabuti na lang at mediyo nag-iimprove na ako ngayon, hindi na tulad nong nakaraan na talagang lutang ako parati. "Kailan tayo gagala?" tanong ni Janella. "Nauumay na ako sa bahay." "Kapag may pera na." tumatawang tugon ni Nika. "Lunch na!" paalala ni Angel. "Tara na sa canteen, gutom na ako." she pouted. "Kakain ba kayo?" tanong ni Zette na sinagot naman agad ng tropa. "Ikaw, Kayls?" baling nila sakin. "Alaws gana.." I chuckled. Binatukan ako ni Reigne. "Alaws gana ka diyan... kakain ka, tanga!" "Bat ako naging tanga?" I hissed. Tinawanan lang ako ng tropa at hinatak na patungo sa canteen. "Anong kakainin mo?" tanong sakin ni Reigne. "Ako na ang bibili." dugtong niya pa. "Pre, ayoko talagang kumain.." I shook my head. She raised her brows at me. "Josh!" she yelled. Agad na nanlaki ang mga mata ko nong nilingon siya nito. "Tanga ka ba? Andyan lang sila...." inis kong bulong. Napaiwas agad ako ng tingin nong napansin kong nakatingin sakin si Josh. "Anong kakainin ni Makayla?" pasigaw na tanong ni Zette dahil sa agwat namin. "Ayaw daw kumain!" mediyo may kalakasang tugon ni Reigne. "Hindi rin 'to kumain nong recess... suicidal ata eh." pabirong dugtong niya pa kaya natawa ang tropa, pati sila Dylan ay natawa rin maliban kay Josh. Umupo na lang ako. I rested my head on the table, releasing my tiredness. Hindi ko pa rin makalimutan 'yong katangahan ko nong lumabas kami ni Josh. Pero wala akong pinagsisisihan don, at least I was able to confess what I really feel for him. Pakiramdam ko'y nabunutan ako ng tinik sa dibdib kahit papaano. Tumunog ang pagbagsak ng plato sa mesa, nakakarindi! Umayos ako ng upo at sinamaan ng tingin 'yong naglapag non sa gilid ko, it was Zette. She raised her brows at me, nakangiti pa siya na animo'y nagpipigil ng kilig. "Anong problema mo sa buhay?" I glared at her. She shook her head right away. "Wala naman. Ah, kakain ka... lagot ka kapag hindi mo kinain 'to." "Gutom si Angel, pakain mo na lang sakanya... wala talaga akong gana." I heaved a sigh. "Sensya na." Bahagya kong tinulak palayo sakin yong pagkain, inilapit ko yon sa tapat ni Angel na ngayon ay panay ang tingin sakin. I raised a brow and rested my head on the table again. Pakiramdam ko'y ubos na ubos ang enerhiya ko ngayon, maybe it was because of the activities. "Makayla." rinig kong pagtawag sakin ni Janella. "Hmmm?" I asked, still resting my head on the table. "Makayla..." sabay-sabay na sambit ng tropa. "Huh?" tanong ko ulit, hindi ko pa rin inaangat ang ulo ko. "Kayls!" may kalakasan na nilang pag-uulit. Unli ba 'tong mga 'to? Tch! I didn't speak. Hinintay kong magsalita ulit sila ngunit hindi na, wala ng nagtangkang magsalita ulit sakanila. I was about to close my eyes to take a nap when a familiar manly voice called my name. "Makayla." may diin na anito niya. Napaayos agad ako ng upo, tumama ang paningin ko kay Josh. Iniwasan ko kaagad 'yong tingin niya dahil sa kaba. Bumaling ako sa tropa. "Aakyat na ako." I was about to stand up kaso humarang si Josh, pinipigilan ako sa akmang pag-alis ko. "Stay." he uttered. I didn't listen, itinuloy ko ang pagtayo at humakbang. Hindi pa man ako nakakalayo ng husto nong hinatak ako ni Josh sa aking pulso. "Pasaway." pinitik niya ang noo ko. "Tapos na kami!" sabay kaming napalingon ni Josh sa tropa. "Una na kami sa taas." nakangising sambit nila. I glared at them, sinubukan ko silang pigilan ngunit nagbikit-balikat lamang sila habang tumatawa. "Sasabay na ak—" Josh cutted my words off right away. "Sige, pakakainin ko lang muna 'to." tugon niya sa tropa. Tumango lamang sila sakaniya at tuluyan ng umalis. Naiwan akong mag-isa rito sa tabi ni Josh. Umupo na lang ako at sinubukang iwasan ang tingin niya. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko— nandon ang kaba, lungkot, sakit, tuwa saka pagkasabik. Ilang araw na kaming hindi nag-uusap at nagpapansinan, hindi ko itatanggi na sobra ko siyang namiss. "Hindi ka raw nag-recess." he broke the silence. "Hindi puwedeng magpalipas ka rin ng lunch." dugtong niya. "Hindi ako gutom." malamig kong tugon. He heaved a sigh and sat beside me. "Huwag nang pasaway, Kayls..." he softly uttered. I gulped. No, hindi ako marupok! "May biscuit naman siguro sa taas, doon na lang ako ka—" "Nakakabusog ba 'yon?" kunot-noong tanong niya. "Kainin mo na 'tong pagkain mo, Kayls... o susubuan pa kita?" he raised his brows at me. "Dare." I smirked at him, naghahamon. He bit his lips, amused with me. Agad na kumabog ang dibdib ko nang dumapo ang kamay niya sa kutsara at tinidor na nasa plato. He smirked when he saw my reaction, itinuloy niya ang ginagawa niya. Nilagyan niya ng kanin saka ulam 'yon. I clicked my tongue and turned my gaze somewhere else. "Ahh..." he opened his mouth para gayahin ko siya. Itinikom ko ang labi ko nang itapat niya sakin 'yong kutsarang may pagkain. "Stop it, Josh." kunot-noong iniwasan ko yong kutsarang hawak niya. He took a deep breath and placed back the spoon on the plate. Katahimikan ang namuo sa pagitan namin. He even sat properly on his seat and rested his head on his knuckles na nakapatong sa mesa. "About that night..." he broke the silence between us. "Sorry." he softly uttered, almost a whisper. "I don't need that." I chuckled out of bitterness. "Hindi mo kailangang magsorry dahil lang sa 'di mo ko kayang gustuhin gaya ng nararamdaman ko sayo. You can't force yourself to like me back when you want someone else, by the way." paliwanag ko, more likely a shot for myself. "Hindi ganon, Makayla." he shook his head, turning his gaze at me. "Sorry dahil—" he stopped when I stood up. "May klase na ata. Tara na sa room..." pag-aaya ko. I was about to take a step when he held my waist, marahan niya akong iniupo ulit sa tabi niya. "Wala tayong klase, tangeks." pinitik niya ang noo ko, nakagawian niya na talaga 'yon. "Pakinggan mo muna ako, pwede ba?" he almost begged. Umayos na lang ako ng upo, showing him my interest. "Sorry..." panimula niya. "Hindi dahil sa mga sinabi mo kanina." he chuckled. Kunot-noong tinignan ko siya na may pagtataka. "Edi ano pala?" I hissed. "Sorry po..." he shook his head. "Sorry dahil naiparamdam ko sayo na tinutulak kita sa ibang lalaki. Sorry kung inakala mo na hindi kita gusto, sorry dahil umiyak ka nong gabing yon dahil sakin... fvck! Sorry kung naduwag ako sa pag-amin." he closed his fist, trying to control his emotions. "A-Ano bang sinasabi mo?" gulong-g**o na ako. "Hindi kita maintindihan..." I admit. "Tangina, Kayls..." he paused and tried to hold me. Dumampi ang labi niya sa noo ko bago ko pa man marinig ang mga katagang hindi ko inakalang maririnig ko mula sakanya. "Gusto kita.... Gustong-gusto kita." *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD