"Swerte mo." I whispered, 'di niya narinig. Iniwas ko na lang ang tingin ko sakaniya.
"Uh," he stopped. "Gabi na, Kayls. Ihahatid na kita sa inyo."
I gave him a sad face. Ayoko pang umuwi, I still want more time with him. Gusto kong maamin sakaniya 'yong nararamdaman ko bago kami umuwi.
"Sige." marahan kong tugon. Natigilan siya habang nakatingin sakin. Animo'y sinusuri akong mabuti.
"Okay ka lang?" he asked.
"Syempre!" I chuckled.
"Utot mo." he rolled his eyes at me before looking at his watch. "Anong oras na ba..wala pa namang 6:30. Mamaya na pala kita ihahatid."
Nagpatuloy na kami sa paglalakad. Napakalamig ng simoy ng hangin, tuwing umaga naman ay sobrang init. Nakakawalang gana kumilos kapag mainit ang panahon.
"Josh." tawag ko sakaniya, nilingon niya naman agad ako. "Gusto mo pa si Fia?" sinubukan kong wag ipahalata na affected ako.
"Anong tanong yan?" he laughed. "Hindi na po."
I raised my brows. "Ideals."
"Kayls..." he heaved a sigh. "Yong mga sinabi ko kanina, ideals ko lang sa babae 'yon. Pero di ibig sabihin non na si Fia na agad ang tinutukoy ko."
"Hindi siya? Then... who?" kunot-noong tanong ko, curious.
"Someone na kavibe ko sa maraming bagay." he smiled. Totoong ngiti 'yong sumibol sa mga labi niya. He must be really into her, ngayon lang siya ngumiti ng ganyan.
"She must be too lucky." I tried to smile.
"Ikaw? Kuwento ka nga... kamusta kayo ni—"
"Josh..." I glared at him. "Bakit lagi siyang nakasingit? Seriously, gusto mo bang magkatuluyan kami?"
"No." agad niyang tugon. Napatigil siya at agad na tumikhim. "I mean... no kasi ayaw mo na sakaniya."
"Bakit puro siya 'yong bukambibig mo sakin pagdating sa ganong bagay?" I hissed.
"Baka lang naman gusto mo siyang pagusapan." he shrugged.
Hindi na ako umimik. Nabubwisit talaga ako sakaniya ng husto. Nakabusangot lang ako habang naglalakad kaming dalawa. Ayoko nong pakiramdam na para bang itinutulak niya ako sa iba. If he doesn't like me the way I do, sana manlang wag niya akong ipagtulakan sa iba. Masakit eh!
"Pst..." he called. I just raised my brows without looking at him.
"Makayla..." he called again.
"Hmm?" I asked, still not glancing at him. I don't want him to see the pain through my eyes.
"Kayls..." for the third time, he called.
"Josh." mariin kong banggit. "Ano 'yon?" I asked, patuloy lang akong naglakad.
Hindi siya sumagot. Napabuntong-hininga na lang ako at bahagyang binilisan ang paghakbang. Hindi ko mawari kung bakit lagi niyang binabanggit si Jace, maybe he wants him for me o baka siya 'yong may gusto don sa tao. Tch. Naramdaman ko 'yong kamay niya na hinawakan ang siko ko.
"Napakabilis maglakad, liit naman." he chuckled.
"Bwisit ka?" I glared at him.
"Biro lang..." humagalpak siya sa tawa. "Kayls..."
"Oh?"
"Pano kung..." he took a deep breath. "Gusto kita?"
Natigilan ako sa tanong niya. Paano nga ba kung gusto niya ako? Wait, is that even possible? Wala akong makitang dahilan para magustuhan niya ako. Pero kung sakali man na mangyari 'yon, I will be the happiest girl sa mga oras na 'to at sa mga susunod pang araw.
"Ikaw? Paano kung gusto kita?" balik-tanong ko sakaniya.
"Duya mo. Nauna akong magtanong ah!" reklamo niya. Parang bata naman aba!
"Sumagot ka na lang, rereklamo ka pa eh." pabiro ko siyang inirapan.
"Swerte ko kung sakali..." he chuckled. "Gusto ako nong toyoin na masungit na prinsesa."
"Ayos ah? Toyoin na masungit pa. 2in1?" I laughed.
"Hindi lang 2in1..." he shrugged. "Package na kaya." dugtong niya na nakapagpatigil sakin.
"Josh, favor..." I paused. "About Jace."
His jaw aggressively moved. "You need my help? Sige lang..."
"No." I shook my head right away. "Uh, nevermind." umiwas ako ng tingin.
"Hindi na raw gusto, pero may pa-favor..." pagpaparinig niya at saka bahagyang tumawa.
"Tanga." anito ko. "Talaga namang hindi ko na gusto 'yon."
"Ah talaga? Huwag nga ako... tutulungan naman kita kung—"
"Tangina! Awat na, Josh...." I wasn't able to control my emotions anymore. Halatang nabigla pa siya kaya napaiwas na lang ako ng tingin. "Let's go home..." umuna na ako sa paglalakad.
"Kayls..." he uttered.
Hindi ko na siya pinansin. Naiinis ako sakaniya. Sabagay, matagal kong ginusto si Jace... hindi ko siya masisisi kung bakit hanggang ngayon ay akala niya gusto ko pa rin yong tao.
"Makayla." mariin niyang pagtawag sakin.
"Uwi na tayo..." marahan kong tugon kahit sa kaloob-looban ko'y pinipiga na ako ng husto.
"Kayls!" he yelled as he reached for my wrist. Hinatak niya ako paharap sakaniya. "Bat ka ganyan?" tanong niya, napaawang ang labi ko.
"Bat...ako ganto?" I pointed at myself. "No... bat ka ganyan, Josh?" my tears fell. Natigilan siya nang mapansin ang luha ko.
"K-Kayls..."
"Bat ka ganyan?!" namamaos na ako. "Bat mo pinaparamdam sakin na gusto mong mapunta ako sakanya? Na ayos lang sayo kahit merong siya... na wala kang pake sakin... na kaibigan lang ang turing mo sakin?" tuloy-tuloy na tumulo ang luha ko.
He didn't speak. I just want him to know my real feelings, pero di ko inexpect na gantong way ko maiilabas sakaniya lahat. Tumikhim ako at bahagyang pinunasan ang pisngi ko.
"Alam ko naman na kaibigan mo lang ako, Josh..." my voice cracked. "Pero hanggang don na lang ba talaga?"
"Potcha." napaiwas siya ng tingin. "Hindi kita maintindihan, Kayls...." he shook his head.
"Hindi mo maintindihan?" mahinang tanong ko. "Ipapaintindi ko sayo." I pushed back my hair dahil humaharang na 'yon sa mukha ko.
"Kayls... uwi na ta—"
"Saglit lang..." basag na ang boses ko, nanghihina na rin ako. "Gusto kita, Josh. Gustong-gusto kita... na nasasaktan na ako tuwing binabanggit mo si Jace na para bang wala lang sayo yon... na para bang ayos lang sayo na isiping hawak ako ng ibang lalaki. Tangina! Ikaw 'yong gusto ko, Josh... hindi siya, hindi ibang lalaki..."
Hindi niya ako magawang tignan. "Kailan pa?"
"Do we really need that here? Kailangan ko pa bang sabihin 'yong saktong araw, oras pati taon ha?!" I clicked my tongue at sunod-sunod na umiling. Nakakatanga.
"Ano bang sinasabi mo, Kayls?" he looked at me, halatang gulong-g**o na siya.
"Fvck it." I hissed. "Uuwi na ako..." hindi ko na hinintay ang sagot niya, tinalikuran ko na siya saka ako humakbang.
"Ihahatid kita." mariin niyang sambit.
Naramdaman kong sumunod siya sakin ngunit hindi ko siya nilingon. Tahimik lang kaming dalawa habang naglalakad na para bang walang naganap na pag-amin kanina. Pagod. Pagod na pagod ako ngayon... pakiramdam ko'y ubos na ang enerhiyang natitira sa sistema ko. Pagkarating namin sa tapat ng bahay ay umalis na agad siya. Napailing na lang ako at hinayaang tumulo ang mga luha ko.
Napakataas niya masyado, nakakasama ko siya pero pakiramdam ko'y hinding-hindi ko siya maaabot kahit kailan.
******