Kabanata 17

1347 Words
I was about to sleep kaso nagbeep ang phone ko. Hindi ko na sana papansinin kaso ilang beses pa ulit 'yon tumunog. Halos masilaw ako dahil sa liwanag na nagmumula sa screen pagbukas ko ng phone. Lumitaw agad ang pangalan ni Josh, 3 unread messages from him. Josh: Kayls! Pssttt. Oy, sunget! Ako: Po? Josh: Wala lang HAHAHA Ako: Parang tanga HAHA Josh: Labas tayo Ako: After class bukas? Josh: Ngayon Ako: Seryoso ka? Gabi na kaya HAHA... almost Josh: Susunduin kita Ako: Saan ba? Kita na lang oyats don Josh: Mag-gagabi na, susunduin kita. G ka ba? Ako: Kasama tropa? Josh: Gusto mo ba? Ako: U decide... sasama lang naman ako HAHA Josh: Mag-ayos ka na, bibihis lang ako tas susunduin na kita Ako: Sige, ingat! Gaya ng sinabi niya, nag-ayos na ako. Naka-pink shirt lang ako saka black shorts, panigurado namang diyan lang kami sa tabi-tabi pupunta. Nagpulbos lang ako saka liptint bago ko ibinagsak ang buhok ko. Saktong katatapos ko lang mag-ayos nong nagchat ulit si Josh, nasa labas na raw siya. "Labas lang po ako saglit..." paalam ko kay mommy nang maabutan ko siya sa salas. "Saan ka pupunta? Anong oras ka na naman uuwi?" "Diyan lang po, ma. Hindi ko lang po sure kung anong oras ako makakauwi, pero saglit lang po ako." tugon ko. Umalis na agad ako nong tinanguan niya ako. "Mcdo tayo." salubong sakin ni Josh. "Date tayo?" mapang-asar kong tugon na patanong. Sandali siyang natahimik, hindi mawari ang itutugon. "Tara sa Mcdo..." nauna na ako sa paglalakad. Tahimik lang kami, walang nagtatangkang magsalita. Busy siya sa pagph-phone kaya hindi na lang ako umimik. Muntikan na akong mabangga don sa lalaking kasalubong namin, mabuti na lang at nahatak agad ako ni Josh. I thought he was busy with his phone... "Kung saan-saan kasi nakatingin." sermon niya sakin. He held my face at iniharap 'yon sa daan. "Diyan ka tumingin. Sa kalsada ang tingin, Kayls... hindi kung saan-saan." "Alam ko, tch!" singhal ko. "Ewan ko sayo." pabiro niya akong inirapan kaya napanguso ako. Itinago niya na 'yong phone niya. He wrapped his hand on my waist at bahagya akong inilapit sakaniya. "Hoy! Bakit mo—" I was about to ask him kung bakit niya ako hawak kaso napansin ko kaagad na may mga tumitingin sakin. "Ganda ko talaga..." pabirong sambit ko. "Tch." he murmured kaya natawa ako. Pagkarating namin sa Mcdo ay tinanong niya agad ako kung anong gusto ko, pumila na siya pagkasabi ko kung anong kakainin ko. Habang pumipila siya ay naghanap na ako ng vacant table para samin. Wala naman masyadong tao ngayon dahil gabi na. I sat beside the window and scrolled through my phone. Nakita ko kaagad 'yong active status ni Faith, bestfriend ni Josh. She's also my bestfriend, kaso hindi na kami masyadong nakakapagusap dahil kadalasan ay busy sya sa school nila at ganon din ako. Naalala ko nong crush ko pa si Josh, 'yon din ang panahon na naging magbestfriend na rin kami ni Faith. Nasabi niya sakin na matagal niya ng gusto si Josh so I chose to be silent. Crush ko lang naman si Josh nong mga panahong 'yon kaya hindi ako nahirapang mag-adjust. Kaso iba na ngayon... it has been years simula nong inuncrush ko siya, but the comeback of my feelings just went deeper than before. Gusto ko na siya. Maybe it was because of our vibes? I don't know. Basta alam kong iba 'yong nararamdaman ko towards him. Kaso ang hirap... katropa ko siya eh. Tapos mataas pa 'yong standards niya sa babae. Olats! "Muntikan ng mahulog 'yong pagkain nong lalaki kanina." kwento ni Josh na kararating lang, tumatawa. Nilapag niya sa table namin 'yong mga dala niyang pagkain. "Gagi." I laughed. My eyes landed on our foods. "Buti nagyaya ka, nagc-crave talaga ako ngayon sa fries nila eh." I pouted. "Lagi ka namang nagc-crave. Gutom ka ba naman parati eh..." he shrugged saka tumawa. "Whatever." I rolled my eyes and started taking my food. "Ah, Josh..." nag-angat ako ng tingin sakanya. "Hmm?" he raised his brows habang nilalagyan ng straw 'yong float niya. "Samahan mo akong mag-gym..." I gave him a sweet smile. Napakunot ang noo niya at tumingin sakin. "Please?" sinubukan ko pang magpacute sakaniya. Hopefully, umepekto 'yon... "No." he shook his head. "Why? Busy ka ba sa mga susunod na araw?" I asked habang dini-dip ko sa sundae 'yong fries. "Oo." diretsong tugon niya. I made a sad face. I forgot, we're not together. I'm not a priority for him to make time to be with me. "Okay..." I shrugged. "Kanino ba ako pwedeng magpasama? Wait, I'll check..." I took my phone and scrolled through it. "Gym na gym ka na ba, ha?" nagtatakang tanong niya. "Sakto lang." I chuckled. "Ayon! Online si Ke—" I wasn't able to finish my words, kinuha niya na sakin 'yong phone ko. "Sasamahan kita, magsabi ka lang kung kailan." he shook his head. "Busy ka nga diba?" napangiwi ako. "Akina phone ko..." inilahad ko sa harap niya 'yong palad ko, asking him to put my phone on it. "Naniwala ka naman." he laughed. "Tunaw na 'yang ice cream mo, kainin mo na. Napakadaldal kasi..." Hindi na ako umimik, tinawanan ko na lang siya. He didn't gave me back my phone, ubusin ko raw muna ang mga pagkain ko bago niya ibalik sakin 'yon. Argh! What a nice deal? Nakabusangot ako nong saktong tumunog ang pagclick ng camera sa tapat ko. Napaawang ang labi ko nang mapagtanto kong kinuhanan niya ako ng picture. "Idelete mo yan, oy!" asik ko. "Crush mo ba ako, ha?" masungit kong tanong ngunit nandon ang pang-aasar. "Assuming ka, pagkain ang pinicturan ko." dumila pa siya na animo'y nang-aasar. Aba! "Wala ka na kayang pagkain." humagalpak ako sa tawa. "Palpak palusot mo, babe..." patuloy kong pang-aasar. "Sinabi ko bang pagkain ko, ha?" he rolled his eyes. "Pagkain mo kasi, tsk!" tumatawang dugtong niya. "Ewan ko sayo!" singhal ko at inubos ko na ang kinakain ko. He placed his phone on the table saka niya inabot sakin 'yong phone ko. Chineck ko muna kung may mga chat na mahalaga at saka ko ipinatong sa table 'yon. Biglang tumayo si Josh at hinila 'yong upuan niya palapit sa tabi ko. "Luh?" nagtatakang puna ko. "Picture tayo..." he smiled at me. Nginusuan ko na lang siya at pinanliitan ng mga mata. "Crush mo ko noh?" tinaasan ko siya ng kilay kaya natawa siya. "Asa ka." he smirked. "Oh, game na..." he opened his phone. Itinapat niya samin 'yong front cam ng phone niya and took our pictures. He took a lot of shots, burst na nga ata 'yon. Ewan ko ba rito... He looked at our pictures after taking the shots. Dumungaw ako sa phone niya at nakitingin. "Zoom in!" agad kong dinouble tap 'yong photo. "Gusto ko 'to. Send mo sakin, iheaheader ko lang sa twitter." I took my phone and opened my messenger. I placed my chin above my knuckles, waiting for him to send our picture. Sinend niya naman agad 'yon kaya sinave ko muna bago ko sinet as header gaya ng sinabi ko. Tumayo na siya kaya ganon din ang ginawa ko. Naglakad-lakad na lang muna kami, sakto naman na napakasarap ng simoy ng hangin ngayon. I glanced on my wristwatch, 6:06 pm pa lang. "Kayls..." he broke the silence. "Uh?" I asked, hinawi ko 'yong buhok ko na tinatangay ng hangin. "Jace pa rin ba?" tanong niya. Napatingin ako sakaniya, tumingin din naman siya sakin. "Bakit?" I chuckled. "Kung hindi na... itutulak mo pa rin ba ako sakaniya?" tanong ko na nagdulot para bahagya siyang matawa. "Pwede naman." he shrugged. "Malay mo magustuhan ka na niya tapos—" "Hindi na siya." I clicked my tongue, getting annoyed at him. Fvck it! Ganon niya ba kagustong maging kami ni Jace? "May iba na?" he raised his brow at me. I nodded. "Bilis talaga ng isang Makayla..." he chuckled. "May iba na..." I smiled a bit. "Someone na sobrang labong maging akin." mapakla akong natawa. He nodded. "Swerte niya." "Swerte mo..." ********
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD