Kabanata 57
"Warm up muna tayo!" pagaaya ko sa mga kaibigan ko. Agad namang nagsigawan ang mga kasama ko at nagunahan sa pagpila sa Flying Fiesta. Saktong pagkalingon ko ay napansin ko sila Dylan na pipila din pala sa Flying Fiesta at kinakantsawan si Jed.
"Oi, pre!" nakipag-apir ako kay Dylan.
"Hindi ba ako lilipad diyan?" napatingin ako kay Jed at napansin kong kinakabahan siya. Teka?
"Natatakot ka ba?" nang mapansin ko ang pagtaas-baba ng adam's apple niya ay agad akong napatawa nang malakas.
"Omg, Jed!" pati sila Dylan ay natawa na din. "Hoy, Josh. Huwag mong papabayaan si Jed, ah? Baka tumilapon." mas lumaki ang mga mata ni Jed at napansin kong nanginig ang kamay niya.
"Dre!" tawang-tawa ang mga kaibigan ni Jed dahil sa itsura niya. Si Warren ay nagawa pang pumalakpak dahil sa sobrang pagtawa.
"Next na pala tayo, oh!" itinuro ko 'yong line namin pati ang Flying Fiesta.
"Baka maputol 'yong upuan!" takot na takot na ani ni Jed pero mediyo ngumingiti siya nang pilit para 'di mahalata.
"Dre, hindi mapuputol 'yan. Ang gaan-gaan mo, aba!" natatawang tinapik ni Josh ang likuran ni Jed.
"Isipin mo na lang si Makayla, ang lakas ng loob sumakay." nakagat ko ang pang-ibabang labi ko at sinamaan ng tingin si Warren.
"Nang-aasar ka ba?" napansin kong ngumisi si Warren at binalingan si Jed.
"Mas magaan ka pa kaysa diyan kay Makayla, Jed." napangiwi ako dahil kayla Dylan. Ang lalakas mang-asar hmp!
"Magaan kaya ako!" paos kong sigaw.
"Siksik." anakng! Ang lakas talaga mang-inis ni Warren. Aish!
"Happy ka? Geh lang." tumango ako at saka umusod. Turn na pala namin!
"Doon tayo sa yellow!" sambit ni Zet kaya pumayag na lang kami.
"Get ready, Jed!" natatawang hinatak na siya nila Warren habang tumatakbo kami nila Gab patungo sa mga upuan. I sat on the one-sitter chair na katabi noong kay Zet. Sa harapan ko naman ay kitang-kita ko ang itsura ni Jed kaya't agad kong tinawag si Warren.
Nang umangat na ang mga upuan ay napansin ko ang paghinga nang malalim ni Jed.
"Warren, kinakabahan si Jed!" natatawang sinigawan ko si Warren na katabi ni Dylan kaya't sabay silang lumingon.
"Jed, kaya mo 'yan!" nagtawanan kaming lahat at saka kinantsawan si Jed.
"Ahhh, Makayla!" napalingon naman ako kay Zet na nakatungo lang habang nakapikit.
"Omyghad! Suzette!" agad akong natawa nang pagkalakas-lakas when I saw Suzette's reaction. Parehas sila ni Jed, hatalang takot sa mga ganitong rides.
"Woooh!" nakahinga kaming malalim nang makababa na kaming lahat. Habang palabas kami at nagtatawanan ay napukaw ng isang pares ng mata ang atensyon ko. Nagkatinginan kami ni kuya Jace. I smiled at him and avoided his gaze.
"Magic Disco naman!" pumila na kami sa Magic Disco at naging mabilis naman ang pila.
"Si Jed!" napansin kong wala si Jed kaya't hinanap ko kaagad siya.
"Umayaw." natatawang umiling si Josh habang si Dylan naman ay nakatitig lang doon sa disco.
Nauna sila Warren dahil kulang na ang seats ng disco. Tawang-tawa ako sa reaksyon nila Warren. Si Josh ay nakamulat habang nakataas ang dalawang kamay pero halatang nanginginig. Si Warren naman ay nakapikit habang nagdadasal. Si Dylan ay nakatungo na animo'y takot na takot. Nagtawanan kaagad kami nila Angeline habang nakatingin kayla Warren. Myghad!
"Nakakatakot?" tanong ko kay Josh habang umaayos ako ng upo. It's our turn!
"Hindi naman." natatawang nagkatinginan sila nila Warren. Napansin ko ang pag-angat ni Josh ng cellphone niya sa ere.
"Hoy walang kuhanan ng video!" namamaos kong sigaw sakaniya ngunit isang mapang-asar na tawa lamang ang isinukli niya. The Magic Disco started to move at agad akong napatungo. Hindi ko kinaya ang pag-ikot ng disco. Akala ko titilapon ako!
"Just put me down!" tili ko dahil sa sakit ng ulo ko. Nakakahilo!
Nang tumigil na ang disco ay nagsitayuan na ang lahat, pero ako ay nakaupo pa din at nakahawak sa sentido. That was hell!
"Nahihilo ako." nakapikit kong sambit nang makatayo ako.
"Anchor's Away!" nagsitakbuhan na sila Warren patungo sa Anchor's Away habang ako naman ay dahan-dahan lang na naglalakad.
"Makayla, kaya pa?" natawa na lang ako nang tumabi sa akin si Gab.
Habang naghahanap sila Warren nang maiinom ay naupo muna ako sa isang side. Nang i-angat ko ang tingin ko ay nakita ko sila kuya Jace na nakaupo lang sa isang bench habang katabi niya ang mga kaibigan niya.
"Oh." inabutan ko ni Zet ng isang tubig na ininom ko kaagad.
"Salamat."
"Hala, ang gwapo!" napatingin ako doon sa tinitignan nila Suzette. Kumunot ang aking noo at nagayos ng buhok. Ang haggard ko na dahil sa Magic Disco, grabe!
"Ang tagal nila Warren, ah?" napatingin ako sa gawi nila Josh at napansin kong paparating na pala sila. Saktong sumakit ang puson ko.
"May pad ba kayo?" tanong ko kayla Angeline.
"Wala, eh." napatango na lang ako. Napansin ko si Yesha na naglalakad kasama sila Ray kaya lumapit ako.
"Yesha, may pad ka? Pahingi naman." feeling ko kasi ay mayroon ako kaya ako nahihilo ng ganito.
"Wait, check ko." hindi ko 'man lang napansin na nasa may gilid lang pala kami nila kuya Jace kaya't mediyo nahiya ako. Napansin ko pa na napatingin sa akin si kuya Jace sandali.
"Ito, meron!" napahinga ako nang maluwag nang malaman kong may pad na dala si Yesha.
"Thank you!" nakangiting tinanggap ko 'yong pad mula sakaniya.
Akmang babalik na sana ako sa pwesto nila Zet nang may nakabanggaan ako.
"Sorry." nakatungon paghingi ko nang paumanhin. Nilagay ko kasi sa pocket ko ang pad. Pag-angat ko ng tingin ay agad na napaawang ang mga labi ko. I bit my lower lips and gulp.
Nang maglalakad na ulit sana ako ay bigla akong napatigil nang magsalita siya.
"Saang school kayo?" napatigil ako sa paglalakad at dahan-dahan siyang nilingon. Kunot-noong napatitig ako sa kaniya sandali.
Imbis na sumagot ay humarap na lang ako sandali sakaniya at ipinakita ang suot kong damit. PE shirt kasi ang suot namin ngayon at saka pants. Obviously, kapag tumingin ka sa damit namin ay malalaman mo na kaagad kung ano ang school namin.
He just nodded and was about to say something more when I looked at kuya Jace. Nakatingin lang siya sa amin nang seryoso hanggang sa onti-unting sumibol ang maliit na ngiti sa kaniyang mga labi. Umiwas ako ng tingin at sandaling sinulyapan 'yong lalaki bago ako mabilisang umalis doon.
"Makayla!" impit na tili nila Zet. "Ayon 'yong gwapo na sinasabi namin kanina." napaatras ako nang hampasin ako ni Suzette.
"Aray." pag-angal ko sakaniya. "Sundan mo." singhal ko habang chini-check kung may signal ba rito.
"Kayo na lang muna ang mag-rides. Magpapalit kasi ako ng ano." ani ko kayla Warren na nakakunot ang noo.
"Ano?" tanong ni Josh. Ngumiwi ako sakaniya at umirap sa hangin.
"Period pad." mukha namang naintindihan agad nila ang sinabi ko kaya't tumango na lamang sila.
"Edi magpalit ka, sabay-sabay na tayo pupunta doon sa Angkor's Away." napakunot ang noo ko kay Warren.
"Mahaba ang pila, kung hihintayin niyo pa ako ay baka mas humaba ang pila at matagalan kayo." paliwanag ko sakanila.
"Ano naman? Basta sabay-sabay na tayo." kunot-noong sagot ni Warren. Tumango na lang ako at naglakad na patungo sa public restrooms.
Naging madali ang pagpasok ko sa isang cubicle at nang mapansin ko ang red stains sa underwear ko ay agad akong napamura. Bakit ngayon pa? Aish! Naghugas muna ako at saka naglagay ng pad. Nang matapos ako ay naghugas agad ako ng kamay ko at nagpatuyo.
Habang naglalakad ako palabas ay nakatungo lang ako at nagpapagpag ng kamay. Nagulat na lang ako nang may nagsalita sa harapan ko.
"Ay, iba din!" may halong pang-aasar ang boses na iyon. Nag-angat ako ng tingin at nakita kong si ate Rim lang pala iyon. Pero nanlaki ang mga mata ko when I saw kuya Jace with his friends at ate Rim's back.
"Ate Rim!" pagbati ko at saka ngumiti.
"Nakita ko 'yong kanina." nanliit ang mga mata niya habang nakatingin sa akin. Sinundot niya pa ang tagiliran ko at saka nang-asar. I guess she's talking about the guy who asked for our school.
"Wala 'yun." I shook my head and waved my hand in front of her.
"Gwapo 'yon! Bakit pinakawalan mo pa?" natatawang tanong niya. Ang ganda talaga ni ate Rim lalo na kapag tumatawa, gosh! Natawa na lang din ako at umiling.
"May iba akong gusto." nakangising sambit ko sakaniya.
"Sus! Kahit na ba! Mas gwapo naman 'yon kaysa sa gusto mo." umirap siya sa hangin at kumindat sa akin. She knows about my feelings for kuya Jace. Ilang beses niya pa akong kinulit tungkol doon sa lalaki na hindi ko naman kilala.
"Si Angeline ang gusto no'n." wala na akong masabi kaya't ayon na lang ang sinabi ko. Tingin ko naman ay si Angeline talaga ang pakay niya kanina dahil mula sa Magic Disco ay napansin ko ang pagtitig niya sa kaibigan ko.
"Paano kung ikaw?" tanong ulit ni ate Rim. Napatingin ako sa likuran niya kung saan ay nakapuwesto si kuya Jace. Nakikipagtawanan lang siya sa bestfriend niyang si ate Gellay.
"Paano kung hindi ako?" nakangising tanong ko pabalik sakaniya.
"Paano nga kasi kung ika—" I cutted her words off.
"Ako 'man o hindi, I don't care. Kasi in the first place, isang lalaki lang ang kaya kong tignan pabalik with worth. Iisang lalaki lang ang gusto ko. Iisang lalaki pa lang ang nakakapukaw ng atensyon ko. 'Yung lalaki na dadaan pa lang sa tabi ko ay nangangatog na kaagad ang mga binti ko. 'Yung lalaki na kapag ngumiti ay nagpapasaya din sa akin. 'Yung lalaki na sa tuwing tatawa ay natatawa na lang din ako habang nakatitig sakaniya. 'Yung lalaki na kapag tumitingin sa akin ay agad na bumibilis ang t***k ng puso ko na animo'y katatapos ko pa lamang makipag-karera." umiling ako kay ate Rim dahil ang haba na pala nang sinabi ko. I bit my lower lips. Nasimulan ko na, tatapusin ko na lang.
"Yung lalaki na kahit walang pagtingin sa akin ay nagagawa ko pa ding sumaya dahil sakaniya." napangiti ako kay ate Rim. Sandaling natigilan si ate hanggang sa onti-unti na din siyang ngumiti sa akin. Sobrang lakas ng epekto ni kuya Jace sa akin. Hindi ko 'man ipinahahalata at ipinangangalandakan ng husto iyon ay alam ko sa sarili ko mismo na si kuya Jace lang ang may ganoong epekto sa akin.
"Who is the lucky guy?" mapaglarong ngiti ang sumibol sa mga labi niya kaya't napailing na lamang ako at ngumisi.
"The guy who is so impossible to be mine." mapait na ngumiti ako at saka muling bumaling ng tingin sa lalaki na mahal ko. "Pero mahal ko pa din despite of knowing na sobrang labo na masuklian niya ang pagmamahal ko para sakaniya." I just smiled sincerely habang nakatitig nang diretso sa magagandang mata ng taong mahal ko.
Nakatingin siya sa akin kaya't nang sabihin ko kay ate Rim na mahal ko ang lalaki na iyon ay para ko na din iyong sinabi ng diretso kay kuya Jace dahil sakaniya nakatuon ang buong atensyon ko.
"Mahal kita kahit malabong maging tayo."
******
a/n: I dedicate this part to Alessia_Angel . Thank you sa pagsuporta ng story na 'to❤️Godbless!