Kabanata 58
Tumatawang napatayo na lamanag ako mula sa aking pagkakaupo. Tumingin ako sandali kay Angeline na pasimpleng umiirap habang pangisi-ngisi. Si Reigne naman ay nakatuon lamang ang buong atensyon sa librong kaniyang binabasa. 'Yong iba naman ay tumatawa lang din pero maayos. Hindi kagaya ng tawa ni Angeline, hindi mo mawari kung ok pa ba siya o ano.
"Hala! Umuulan." napahawak kaagad ako sa aking buhok at kaagad ko itong kinabig patungo sa likod ng aking tainga.
Bumaling ako sa bintana at napansin ko ang matiwasay na pagpatak ng bawat butil ng ulan mula sa labas nang malinaw na salamin ng aming bintana.
"Rain's falling." kaagad akong napaayos ng tayo at bumaling kay Reigne. Napatigil siya dahil sa narinig mula kay Zet kaya't kaagad na akong nagsalita bago pa 'man ma-misunderstood ni Reigne ang pahayag ni Zet.
"Rain's dropping calmly." nakangiting bumaling akong muli sa bintana at pinagmasdan ang pagpatak ng ulan.
Everyone loves a normal day, a good weather and a natural rise and set of sun. Pero, ako? I love seeing rain more than the sun. Hindi ko alam kung bakit, pero ayon ang totoo. A calm and peaceful rain.
Napapikit na lamang ako at pinakinggan ang mahihinang kalampag ng bawat butil ng ulan sa bintanang aking sinasandalan. I love rain, but I hate it when it roars. Tuwing naiisip ko ang mga tao, pamilya, homeless people na nasasalanta ng walang-awang ulan ay kaagad akong naaawa at napapahiling na lamang na sana ay muling nang sumikat ang araw.
"Tara, break na!" dahan-dahan kong inilayo ang aking sarili mula sa bintana at sumabay na ako sa mga kaibigan ko patungo sa canteen.
Pagkalabas namin ay kaagad kong naramdaman ang pagyakap sa akin ng hangin. It swirls right on my uniformed-body together with a small amount of rain. Ang sarap! Nang mapatingin ako sandali sa kalangitan ay kaagad na nawala ang aking ngiti dahil sa kulay ng langit. Hindi ito basta makulimlim lamang, mula sa mga ulap nito at sa ihip ng hangin ay naramdaman ko ang panibagong panahon na paparating.
"Typhoon." tanging ako lamang ang nakarinig sa aking sinabi kung kaya't napailing na lamang ako at sumunod sa paglalakad nila Zet.
"Magpapapila pa ba tayo?" umiling na lamang ako kay Angeline at lumabas na ako mula sa canteen. Sila lamang ang kumain kanina, tanging Milo lamang ang ininom ko para sa recess.
Mabagal ang naging paghakbang ko at dinama ko na lamang ang pagpatak ng mga ulan. From a calm drop of rain to a wild pouring of precipitation.
"Huwag niyo nang papilahin ang bawat sections." sambit ko kayla Paulo habang tinitignan ko ang mga stalls na nagaayos na. They are alert!
"Ha? Bakit?" I turned my gaze on Angeline and swiftly, tinanggal ko ang dahon na wari ko'y hindi niya namalayang pumatak sa kaniyang uniform kanina.
"Ilang minuto pa ay lalakas na ang ulan, hindi na dapat natin hintayin 'yon bago pa natin sila paakyatin patungo sa kani-kanilang classrooms." tumango na lamang sila at ginawa ang sinabi ko. Hinintay muna namin na maka-akyat na lahat ng students bago kami nagsi-akyatan sa aming silid.
"So next week, we'll continue the lessons we discussed today." ani sa amin ni Ms. Gomez. Tumango na lamang kaming lahat hanggang sa lumabas na si miss mula sa aming silid.
"Last subject, uwian na!" natawa na lamang ako sa inusal ng mga kaklase ko. Mga excited umuwi!
Napakabilis ng oras. Kanina lamang ay recess namin, at ngayon ay isang subject na lang ang natitira at magsisi-uwian na ulit kami.
"Makayla, anong plano mo next week? Birthday mo na." napaisip kaagad ako sa tanong ni Angeline. Oo nga, muntikan ko nang malimutan 'yon.
"Ewan." natatawang nagbikit-balikat na lamang ako. Nagplano silang lahat ng gagawin namin sa birthday ko habang ako naman ay nagpatuloy na lamang sa pagsusulat ng journal. Every Thursday kasi ay kailangan namin magpasa ng journal na naglalaman ng reflection tungkol sa mensahe na ipinapahayag sa amin kada-Miyerkules.
"Lipat daw po tayo ng classroom." nagsitayuan na ang mga kaklase ko ngunit nanatili akong nakaupo at tinapos ko ang aking sinusulat hanggang outline bago ako sumunod sakanila.
"Gab, 'yung ballpen ko!" naiinis na binawi ko mula kay Gab ang aking ballpen pero agad niya iyong iniwas mula sa akin.
Napasinghap na lang ako at nanood. Pinalipat kami ng classroom dahil kailangan naming panoodin ang 300 para sa AP. Walang tv ang classroom namin sa kadahilanang nasira iyon, samantalang dito sa silid na aming nilipatan ay maayos ang tv.
Napaayos ako mula sa pagkakaupo nang magtilian ang mga kaklase ko. Itinuon ko ang aking atensyon sa palabas at maging ako ay napapatili na din sa ilang scenario. Sparta.
"Ok, uwian na!" natatawang nauna na sa pagtayo si Gab kaya't tumawa na lang ako kahit naiinis pa ako sakaniya. Hindi ko pa din tapos ang journal ko dahil kinuha niya ang ballpen ko kanina. Reflection at prayer na lang ang kulang ko kaya't nagmadali na din ako sa paglabas.
"Makayla!" kaagad akong napalingon nang marinig ko si Janella. Akala ko ay kung ano lamang iyon ngunit lumakas na lamang agad ang t***k ng puso ko nang magtama ang paningin namin ni kuya Jace.
"Ah, ha?" hindi ko alam kung anong sasabihin ko ngunit ngumiti na lamang ako sakaniya at muling bumaling kay Janella. Masamang tingin ang ipinukaw ko sakaniya ngunit traydor ang mga labi ko dahil kusa silang napangiti nang maalala ko ang itsura ni kuya Jace.
"Samahan mo nga ako magpasa nito mamaya, Makayla." napatingin ako kay Jayrus na natataranta na. Oh, may pupuntahan nga pala sila mamaya.
"Ako na lang ang magpapasa niyan, Jayrus." binigyan ko siya ng isang ngiti kaya't napatango na lamang siya at nagpasalamat.
Isinama ko na ang papel ko doon sa mga papel na iniwan ni Jayrus sa akin at saka ko iyon binilang isa-isa. 30 pa lamang ito. Kulang pa ng tatlo!
"Tatlo pa ang kulang. Hindi ko alam kung sino—" kaagad akong napatigil nang mapansin ko si Santos na nagsusulat sa ibabaw ng locker.
"Dalawa na lang pala ang kulang. I found the other one." tumawa kaagad si Nika at kinuha mula sa akin ang mga papel. Siya na mismo ang nag-asikaso doon kaya't nakahinga ako nang maluwag. Finally!
"Si Aly saka si Lex ang wala." napatango na lamang ako sakaniya. Malamang ay nakauwi na 'yong dalawa na 'yon.
Nang magpasa na si Santos sa akin ay kaagad na akong bumaba at ipinasa kay Miss Delle ang mga journals.
"Sht. Ang lakas ng ulan!" naghanap ako nang masisilungan. Sakto naman na 'may waiting shed sa gilid ng campus kaya't doon na muna ako naghintay na tumila ang ulan.
Ilang oras ang lumipas at napansin ko na mas lumalakas na ang ulan kaya't tumayo na ako. Pursigido na akong sumalubong sa galit na galit na ulan. Inihakbang ko na ang aking mga paa palabas sa waiting shed ngunit wala akong naramdaman na pagpatak ng ulan sa aking katawan. Dahan-dahan 'kong nilingon ang tao na nag-payong sa akin. Ang kaninang mabilis na t***k ng puso ko ay mas bumilis nang mapagtanto ko na ang naglayo sa akin mula sa pagsabak sa malakas na ulan ay walang iba kundi ang lalaking matagal ko nang gusto.
"Jace..." I uttered. Seryoso lamang siyang nakatingin sa akin habang nakaangat ang kaniyang kanang kamay upang mapayungan kaming dalawa.
I gulped when I felt his cold stares that gave me shiver. Damn! It's really him. Hinawakan niya ang pulso ko at marahan akong hinatak upang maglakad. Tahimik lamang kaming dalawa ngunit napansin kong hawak niya pa din ang aking pulso.
"K-kuya Jace, 'yung kamay mo po." akala ko ay tatanggalin niya ang pagkakahawak sa aking pulso ngunit nagulat ako nang mas higpitan niya ang pagkakahawak doon.
Tumahimik na lamang ako at tahimik na nagpasalamat sa Diyos dahil sa moment na ito. Alam kong mali na isabay ang ganitong bagay sa sitwasyong ito ngunit anong magagawa ko? Andito na, edi magpasalamat na lang.
"Salamat." mahinang sambit ko rito nang makarating na kami sa sakayan.
Tumango na lamang siya. Akmang ibubuka ko pa sana ang aking bibig ngunit mas pinili ko na lamang na itikom iyon at ngumiti sakaniya. I was about to turn my back at him when he suddenly spoke.
"Mag-ingat ka, Makayla. Sa susunod ay huwag kang magpapaiwang mag-isa sa school lalo na't ganito ang panahon." his voice was cold but I can feel the sincerity on it.
Napangiti na lamang ako at saka ako lumingon sakaniya. He's still looking at me pero kaagad na din siyang tumalikod at nagsimulang maglakad paalis. May nasisilungan ako kung kaya't hindi ako nababasa. Nang mawala na siya sa aking paningin ay saka lamang ako sumakay upang makauwi.
"Thank you, Jace."
******