Kabanata 71

1562 Words
Kabanata 71 Sa pagpatak ng tubig sa katawan ko ay madaming katanungan, realizations at pag-aalala ang pumapasok sa isipan ko. Hanggang kailan ko titiisin 'to? Bakit ako pa? Kaya ko ba? Deserve ko ba 'to? Worth it ba kung lalaban ako? Isang malakas na kalabog ang idinulot nang pagsuntok ko sa pader. Bawat minutong ngumingiti ako sa mga kaibigan ko, nandoon ang sakit. Bawat pagtawa ko sa harapan nila, nakatago ang pagluha ng mga mata ko. Sa kada halakhak ko, nandoon ang kagustuhan kong humagulhol sa sakit. There's always the pain in my every smile... "Makayla!" "Oh, shoot! Huwag niyong itulak." gulat kong sambit nang bumukas nang bahagya ang pintuan ng aming kuwarto. "Shhh." rinig kong pagsaway mula sa labas. *bogsh* "Sabi't huwag itulak ang pinto, aba! Nagbibihis kaya ako." I rolled my eyes on air and faced the mirror in front of me. Hawak ko na ang tube ng foundation ko at akmang bubuksan ko na sana ito nang mapatigil ako. I can't always hide the real me behind this liquid. Karamihan ay minamahal ako dahil sa nakikita nilang panlabas kong anyo. But, we should be vocal here, hindi sa lahat ng oras ay makikita nila ang ganda na lagi nilang napupuna mula sa akin. For me, ito lang ang nagpapaganda sa akin. I heaved a sigh and placed back the tube on my bag. I've decided to at least try being simple in front of everyone. Tanging pulbos at liptint lang ang nilagay ko bago lumabas. "AY!" gulat na sambit ni Suzette habang nakahawak sa dibdib niya. "Kanina pa kayo?" pambabalewala ko sa reaksyon niya. "Bakit ba bigla kang lumabas diyan? Nagulat tuloy ako!" natatawang sambit niya. I just ignored her statement and went directly to salas. "Andito ka din, Angeline?" kunot-noong tanong ko. Bakit nandito 'tong dalawa na 'to? Kela Janella kami magp-practice, ah? "Sarado pa kasi 'yong tambayan sa intersection ng bahay nila Janella." lintaya ni Angeline. Napanganga na lang ako at napatigil sa pagaayos ng buhok. "At dito kayo dumiretso?" naningkit ang mga mata ko na may halong pang-aasar sa kanila. "Siyempre! May pagkain dito, eh." taas-baba ang kilay ni Suzette habang inaasar ang pamangkin ko. "Oh, Ejhay?" nakangiwing puna ko sa pamangkin ko. Karga siya ni Angeline at pilit niyang ipinapasok sa cabinet ang bata. I just shook my head and pulled the two of them out of the house. Kapag nagtagal pa sila doon ay baka kung ano-ano pang magawa nila sa loob, 'prevention is better than cure'— ika nga nila. Dumiretso muna kami sa The Tent para kumain. Pare-parehas kami nang inorder, Beef with mushroom. Hinalo ko ang sauce ng beef sa kanin ko at kaagad na tinikman iyon. Nag-iba na 'yong lasa ng food nila, unlike dati, sobrang malasa. Ngayon, 'yung sauce na lang ang nagbibigay ng lasa sa pagkain. "Wala ng pipino ang rice nila." puna ko habang tumutusok ng beef. "Oo nga. Dati lahat ng rice nila may ganon sa ibabaw, eh." puna din ni Suzette. Dinalian ko na ang pagkain ko dahil isang oras na lang ay magp-practice na kami. Pagkatapos namin kumain ay dumiretso na muna kami sa café at hinintay ang iba pa naming kaklase. Unang dumating si Warren, ang cute talaga nito! "Alis na tayo?" tanong ko habang nagch-charge. "Mamaya na. Nakakatamad pa kaya." tugon ni Warren. I just shrugged my shoulders and opened my Messenger account. From Faith: Thank you. Omg! I love u too. Miss na kita, grabe. Napangiti na lang ako nang mabasa ko ang reply niya. Faith is my bestfriend, siya ang nag-iisang babae na itinuring ko na para ko ng kapatid kahit hindi kami blood-related. She replied dahil nagchat ako sakaniya kaninang umaga ng 'happy birthday'. Ako: Enjoy your day, happy birthday ulit. By the way... basahin mo 'to mamaya. * send photo* Kahit hindi niya aminin sa akin, alam kong may problema siya. She's always been excited to celebrate her birthday, pero noong huli ko siyang nakausap ay nagiging matamlay siya tuwing nababanggit ko ang tungkol sa birthday niya. Faith: Hala, can't see. Nasa mall ako, free data lang ang gamit ko. :(( Ano yaaan? Napangiti na lang ako dahil sa last word ng reply niya ay halatang sinusubukan niya lang magmukhang masaya. Excited? I don't think so. Ako: Nagmessage sakin ang pinakamamahal mong babae bukod sa fam mo. I hope this one will make you feel better. Ayokong matamlay ka, lalo na't birthday mo ngayon. You should enjoy. I know that the photo I sent her will give her the happiness that she really deserves. Ate Claire sent me a message awhile ago. Ate Claire: Tell her happy birthday and Godbless kamo. :)) Nang mabasa ko kaagad 'yon ay agad na kumalabog ang dibdib ko. Hindi dahil sa kaba, hindi dahil sa sakit, pero dahil sa saya. Kusa siyang nagchat sa akin para kay Faith. Si Faith at ate Claire ay parang magkapatid. Sobrang close nilang dalawa noon. Ang dami ngang naiinggit sa kanila dati, eh. Ang kaso, dumating 'yong araw na bigla na lang siyang binalewala ni ate Claire. No one knows about her exact reason for ignoring Faith, pero nainis ako sakaniya noon. Faith: Hala! Naalala niya 'yong birthday ko. Grabe, ang saya ko. Buong-buo na ang araw ko dahil naalala niya ang kaarawan ko. Pasabi sa kaniya thank you saka mahal na mahal ko siya. Faith sent me that message with a crying emoji and a red heart. Sobrang saya ko dahil alam kong napasaya ko ang bestfriend ko. God knows kung gaano ako kahanda na gawin lahat para kay Faith. Mahal na mahal ko 'yon, eh. All I want to do is to take care of her. Alam kong sa kabila nang matatag at makulit na Faith na kilala ng lahat, nakatago doon ang lungkot at maraming problema sa pagkatao niya. She needs someone who knows her better, someone who can make her really happy, someone who's better enough to deserve her. I just hope na ako 'yon. Kasi I'm willing to do everything just to make sure na ok siya. That she's happy for real. Faith is just a fragile, clumsy, emotion-faker little girl. She keeps on faking her real emotions para sa ikabubuti ng iba. Pero gaya nga nang sinasabi ko sa kaniya palagi, she doesn't need to fake everything always. May ibang tao pa na nakikita kung sino talaga siya at kung ano ang totoong siya sa likod nang matamlay niyang ngiti. "As long as I'm here, you don't have to wear your mask. Show me your real emotions and let me know how you really feel. Kasi ayokong nakikita kang nahihirapan. If you can make everyone believe your faked-emotions, ibahin mo ako. Kasi alam ko kung ano ang totoo mong nararamdaman, Faith. You got me, alright? I got you. Remember? We both got us." Such a cliché line for couples, pero iba kami. Hindi kami magjowa, but I always keep on reminding her that I got us. That's all she needs— a person who's willing to take risk for her. Everyone deserves a person who can make sacrifices for them. "Ay, nandito na pala kayo?" gulat kong sambit nang mapagtanto kong nandito na din pala sila Janella. She's with Nathalie, bahagya akong napatigil ngunit agad din naman akong nakabawi. "Tara na?" I asked them. "Si Geli wala pa. Ay, si Patrish din pala." tugon ni Suzette. I looked around, wala pa nga sila. "Si Jerem pa." puna ko. Napansin ko kasi na wala pa din siya, eh siya naman 'yong pinakahinihintay namin dito. "Oo nga!" natatawang banggit ni Warren. Minutes have passed, ang dami na naming napag-usapan at napagkuwentuhan habang hinihintay ang mga kaklase namin. Mula sa tawanan, asaran hanggang sa napadpad kami sa seryosong usapan dahil sa kanta. Binalewala niya 'ko dahil sayo~ "Ang sakit nong kanta." bahagyang tumawa si Angeline habang nakatingin sa gilid. Doon kasi nagmumula ang tunog ng speaker, 'yon nga lang ay may salamin na pumapagitna sa speaker at sa puwesto namin. Her statement made me think about something. May nabasa ako sa twitter one time about sa kantang 'Binalewala'. Hanggang ngayon, ang dami pa ding pumapasok sa isipan ko. There's regret, realizations and questions. "Why do we keep on saying 'binalewala niya ko'? When in fact, may binalewala din tayong tao para sa taong nambabalewala sa atin?" sambit ko na punong-puno nang pagsisisi. We should admit it, madalas nating sinisisi ang tao na nambalewala sa atin kung bakit sila nasasaktan. We keep on saying na 'kung hindi mo sana ako binalewala, edi sana hindi ka nasasaktan ngayon'. Samantalang ganon din naman tayo, habang nasasaktan tayo dahil sa isang tao ay may iba pa pala na nasasaktan dahil sa pambabalewala natin. Life is seriously playful, isama mo pa ang tadhana. But, it's our choice if we'll play with it or not. "Oo nga, no?" natatawang sambit ni Warren nang marealize niya din ang sinabi ko. "Hala?" natahimik na lang si Suzette habang nakatingin sa kawalan. "Cycle." tumatawang patuloy ni Warren habang umaayos ng tayo. Napangisi na lang ako at pinagmasdan silang lahat. They are all too focused on thinking about it. Why can't we just love someone who seriously deserves it? Kung ganon siguro ang buhay, everything would be fine as a clean sheet of paper. Pero hindi, kaya't sa huli, we just created a piece of sh*t in our life. *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD