Kabanata 72

1748 Words
Kabanata 72 "Hala!" Muntikan na akong mapatalon nang marinig ko bigla ang sigaw ni Janella mula sa tabi ko. Anong problema ng isang 'to? "Huy, anong nangyari sayo?" nagtatakang tanong ko. Napatitig na lamang ako sa kaniya nang mapansin ko ang bahagyang pagkaestatwa niya mula sa kaniyang kinatatayuan. Isa sa mga kinakainisan ko sa kaniya ay ang pagsisimula ng isang bagay na hindi niya naman kayang ituloy o di kaya'y tapusin 'man lang. "May sasabihin ako." "Ano 'yun?" "Ay, wag na pala." Nakakairita. Tipong nananahimik ka tapos bigla ka niyang kakausapin para lang bitinin sa kuwento niya. "Ano kasi..." animo'y nag-aalinlangan pa siya kung itutuloy ba ang sasabihin o hindi. Walang kahit na sino ang gugustuhing mabitin, myghad! I stood up at pabagsak na ibinaba ko ang phone ko sa kanilang sofa. "Spill it or shut up for the rest of the school year, Janella. You choose." seryosong sambit ko dito. Wala naman talaga sa plano ko ang takutin siya, pero kailangan kong maging seryoso para malaman niyang 'di sa lahat ng oras ay puwede siyang magsimula ng mga bagay na hindi niya kayang tapusin. "MaynililigawannasiJace." mabilisang sagot niya matapos huminga nang malalim. Napanganga na lang ako sa pagkamangha, how can she do such thing? "Ayusin mo." naiinis kong utos. She heaved a sigh for the second time. "May nililigawan na si kuya Jace." she shook her head twice before staring at me. Kung kanina'y naiinis ako dahil sa pambibitin niya, ngayon nama'y naiinis ako dahil pakiramdam ko ay ako mismo ang may kasalanan kung bakit ako nakaramdam nang pagkirot mula sa aking dibdib. Sana hindi na lang totoo. Sana ay nagbibiro lamang si Janella. Everyone knows her as a girl who takes everything as a joke. Naramdaman ko ang pag-init ng sistema ko paakyat sa aking mukha. No, I'm not blushing. I felt the warmth stopped from my head to my chest. Kasabay nang pag-init non ay ang pagkirot ng bandang dibdib ko. "Makayla! Anong mukha 'yan?" I was hit back to reality when someone snapped in front of me. It's Reigne. Tumawa na lamang ako nang bahagya at palihim na pinunasan ang luhang lumandas mula sa aking mata. "Uh... may nililigawan na daw si Jace?" I asked. Umarte ako na animo'y masaya pa sa nalaman. "Huh? Sinong nagsabi sayo? Wala, ah!" nagtatakang tanong niya na may halong gulat. Sandali akong natigilan at napaisip. "Si Janella?" sagot ko na animo'y patanong. "Eh? Teka nga!" tinalikuran niya ako at dumiretso sa puwesto ni Janella. Habang naguusap silang dalawa doon ay napapansin ko ang bahagyang paghampas ni Reigne sa hangin at ang pagtawa ni Janella. "Seryoso, Janella!" tumatawang sigaw ni Reigne. "Sino nga?" "Ka-grade level niya. Kilala mo kung sino." ngumisi si Janella. Lumingon silang dalawa sa akin habang naglalakad palapit sa puwesto ko. Inigtingan ko na lamang ang aking panga dahil sa inis. Paanong nangyari na may nililigawan na si kuya Jace? Ganong kailan lang ay kasama pa namin siya. "Sabihin mo na kaya para di na kami mahirapan." may halong inis ang tono ni Reigne kaya't napailing na lang ako. "Eh, kasi nga...." Janella shook her head at bahagyang tinapik ang kaniyang leeg. "Kasi nga ang labo mong kausap!" Nagkatinginan kami ni Reigne. Sabay kaming natawa at nakuha pa naming mag-apir dahil parehas ang nasa isipan namin. "Hala?" marahang pumadyak sa sahig si Janella at umungot. "Hala, ang g**o mo po." Reigne made her eyes smaller while looking at Janella. Halatang nang-aasar. "So, anong plano mo ngayon?" baling ulit nila sa akin. I gulped, thinking about what to do. "Keep my distance." simpleng sagot ko. Simpleng tugon ngunit mahirap gawin, haist! "Kaya nga ba?" tumatawang tanong ni Reigne. "Binalewala niya 'ko dahil sayo..." Nagulat na lamang ako nang sabay-sabay na kumanta ang mga kaibigan ko mula sa aking tabi. Kung ano 'man ang nakain nila ngayon ay sana naman hindi na ulit nila kainin sa susunod. Ang lakas ng amats, eh! "Binalewala niya ako so para saan pa kung sisiksik pa ako?" natatawang tanong ko sa kanila. Nang wala 'ni isa sa kanilang sumagot ay tumalikod na lamang ako't umiling. Kapag binalewala ka na, you should learn to let go. "I wanna eat!" ungot ko. "Tara, tara! Libre kita." biglang singit ni Ellizar. "Woah! Weh? Hindi nga, Ellizar?" nagdududa ko pang tanong. Tumawa lang siya at nauna nang tumayo. "Oo nga, ayaw mo?" "Ayon! Gusto siyempre." I laughed. Uwian na pala ng iba? Habang naglalakad kaming dalawa pababa ay nakangiti lamang ako habang nakatungo. I lifted my head to see kung gaano na kalayo si Ellizar mula sa puwesto ko. "Ang bagal mo." tumawa siya at tumigil sa paglalakad. Napanguso na lamang ako at nagmadali na din upang mahabol siya agad. Hindi ko inaasahang sa paglalakad ko patungo sa canteen ay makakasalubong ko ang lalaki na nais ko na sanang iwasan. Nagpatuloy na lamang ako sa paglalakad at una kong iniwas ang aking tingin mula sa kaniya. "Makayla." Napatigil ako sa paglalakad nang marinig ko ang malamig niyang boses. Gusto ko nang sumuko at umiwas pero ang hirap gawin dahil boses niya pa lamang ay nagiging marupok na ako. Damn! "Ellizar, saglit!" tumakbo na ako palapit kay Ellizar kahit maputik pa ang aming dinadaanan. "Pagong." puna niya. Napanguso na lamang ako't umirap. "Ang putik kaya!" angal ko. "Malamang, umulan kanina diba?" pamimilosopo niya sa akin. Maiinis na sana ako sa kaniya pero kaagad akong natawa nang makita ko ang pagsibol ng ngiti sa kaniyang mukha. Oh, shoot! Ba't ganon? Argh.... "Siga na lang." sambit ko. Kanina ko pang gusto kumain ng Siga sa classroom pa lamang. 'Yon yung maanghang na roasted corns. "Oh!" ibinato niya sa akin ang Siga na agad ko namang nasalo. "Salamat." ngumisi ako't pinunit ang packaging ng pagkain. "Gusto mo?" alok ko sa kaniya. "Sayo 'yan, baliw." pagtanggi niya. Napangiwi na lamang ako't napailing. "Nasabihan pang baliw." I pouted. Dire-diretso lamang kaming naglakad. Sobrang ingay ng aming paligid ngunit nagawa kong balewalain iyon kahit mahirap. Gusto kong lumingon sa mga nagtitilian at makinood sa kung ano 'man yon ngunit mas pinagbuti ko na lamang na pigilan ang sarili ko. "Makayla." a familiar voice caught my attention. Maging si Ellizar ay napatigil sa paglalakad para lingunin ang nagsalita. Kabang-kaba na lumingon ako at tinignan kung tama ba ang narinig ko. Gusto kong tumalon, tumili at manghampas dahil sa pinaghalong saya at kilig. Pero hindi ko magawa dahil naghahalo din sa akin ang sakit at lungkot. "Makayla, may gusto yatang kumausap sayo." pansin ni Ellizar. Nabalik ako sa huwisyo at tinignan siya sandali. "Una ka na sa taas." I smiled at him. "Sigurado ka?" paniniguro niya. "Oo nga, kaya ko na 'to." I even winked at him para maniwala siya. Sandali niya muna kaming tinignan pabalik-balik ni kuya Jace at saka lamang siya tumango bago umakyat pabalik sa aming silid. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Alam ko sa sarili ko na gusto ko ang presensya niya at the same time ay ayaw. "Makayla." muli niyang pagtawag. Nilingon ko na siya at bahagya akong ngumiti sa kaniya. "Hmm?" "Sino yon?" seryosong tanong niya. Kumunot ang noo ko sa pagtataka, anong sino? Huh? "Alin?" takang-taka kong tanong. He heaved a sigh and looked at me intently. "Yung kasama mo kanina. Yong lalaki na nauna nang umakyat." paliwanag niya. Bumilog ang aking bibig nang magsink-in na sa akin ang tanong niya. "Ellizar?" mediyo nag-aalinlangan pa ako sa sagot ko. Mas kinabahan ako at nagtaka nang suminghap siyang bigla at sandaling tumungo. Nang mag-angat siyang muli ng ulo ay napansin ko ang pag-igting ng kaniyang panga. "Hindi ko tinanong ang pangalan, tinatanong ko kung sino siya." may halong pagka-irita ang kaniyang malamig na boses. "Ah, sorry naman. Linawin mo kasi sa sunod." asik ko rito. "Kaklase ko 'yon. Bakit?" "Seeing you together makes me feel the heat." tugon niya na naging dahilan para mas magtaka ako. Anong pinagsasasabi nito? "Tumutula ka ba?" I heard him cussed. Ano ba kasing problema niya? Una, tinawag niya na lang ako bigla. Pangalawa, ang g**o niyang magtanong. Pangatlo, tumutula siya. Seriously? 'Di ko nga alam kung tula ba 'yon o ano, eh. "Just... just..." he shook his head twice while biting his red-sexy-gaddamn-lips. Oh, gosh! Tukso, ikaw na ang kusang lumayo. Pakiusap. "Just what?" naiinip na ako, grabe. "Just stay away from him." he ordered. I dropped my jaw and my gaze was fixed on him. Kung kanina'y tatlo lamang ang problema niya na nagpapagulo sa isipan ko, ngayon naman ay hindi ko na ito mabilang pa. Iisa lamang ang sinabi niya pero pakiramdam ko ay napakarami na non. Pero wala siyang rason para palayuin ako kay Ellizar. After all, he's a good friend. "I won't." diretsong sambit ko. Walang halong pag-aalinlangan o kaba, seryoso ako sa binitawan kong salita. "You will." his eyebrows formed into a straight line. "No, I won't." "You will." "You bet." I smirked. "Damn, Makayla! Just do what I f*ckin' said." now, he's cussing. Halata sa kaniya na naiirita na siya dahil patuloy ako sa paghindi. "ANO BA KASING PROBLEMA MO?!" I stepped one to get closer to him. Naiinis na ako. Bakit ba gusto niyang lumayo ako sa kaibigan ko? "IKAW!" he hissed. Umangat ang isang kamay niya sa kaniyang ulo kasabay nang paggulo niya sa kaniyang buhok. Suminghap siya at tinignan ako nang diretso sa aking mga mata. "Wala akong ginagawa, Jace." sobra na akong naiinis pero nagawa ko pa din kumalma. Ang dami niyang problema sa buhay niya, ewan ko ba kung ba't dinadamay niya pa ako. "Bakit ba ayaw mo na lang gawin ang sinabi ko, huh?" he stood straight and walked towards me. "Ikaw? Bakit nga ba pinagpipilitan mong lumayo ako sa kaniya?" tanong ko pabalik kasabay nang pag-atras ko. Animo'y hinihigop ako ng kaniyang mga mata, hindi ko magawang mag-iwas ng tingin kahit na alam ko sa sarili kong naiinis ako sa kaniya ng husto. Hindi ko 'man lang namalayan na nasa dulo na pala ako at naramdaman ko na lamang ang malamig na bagay sa aking likuran. I'm cornered. Inilagay niya ang dalawang kamay niya sa pader, sinakto niya pa 'yon sa aking tabi kaya't paniguradong mas mahihirapan akong gumalaw. "Dahil ayoko sa lahat ang nagseselos." using his husky voice, he whispered it directly on my ears. Matigas 'man ang puso ko ngayon dahil sa inis at lungkot, nagawa ko pa din mangatog dahil sa panlalambot ng aking katawan at sistema. Only one person can change me into an ice and melt me at the same time. **********
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD