Kabanata 73
Halos lahat ng tao ay busy dahil sa Lunes na ang TAPRISA. Paniguradong dudumugin na naman ang campus namin nang maraming students mula sa iba't ibang campus. Obviously , dito sa campus namin ginaganap ang laban ng volleyball.
"Excited na ako, Taprisa na sa Lunes!" galak na galak na sambit ni Janella. Napangisi na lamang ako at sinakbit ang bag ko.
"Uuwi na ako." paalam ko sa kanila. Hindi ko na hinintay ang sagot nila, sa halip ay naglakad na ako palayo.
"Ingat! Baka madapa ka, ah? Huwag bonakid." rinig kong pahabol ni Gab. Napangisi na lamang ako dahil sa kaniyang inusal. Inangat ko ang kanang kamay ko at nagpatuloy nang muli sa paglalakad.
Pagkauwi ko ay naramdaman ko na agad ang matinding pagod. Hinayaan ko na lamang na bumagsak ang katawan ko sa higaan bago ako huminga nang malalim.
"Sa wakas, Friday na!" hiyaw ko habang nakatakip ang magkabilang palad ko sa aking mukha. Friday na ngayon, so that means walang pasok bukas pati sa Linggo. Alright, makakapagpahinga na ako.
"Whooo!"
"Go, GFA!"
"N-C-B-EY!"
Halos marindi ako sa sunod-sunod na hiyawan ng mga estudyante. Napakabilis talaga ng panahon, parang kailan lang ay Biyernes pa lamang, ngayon ay Lunes na at simula na ng laban.
"Sinong lamang?" tanong ni Janella habang sumisingit.
"Harris. Pero feeling ko babawi mamaya 'yang NCBA. Ganon din naman last time, eh." sagot ni Melfa habang nakatingin sa court.
"Aakyat na muna ako sa room. Saka na lang ako manonood kapag players na natin." sambit ko sa kanila. Saglit ko lang silang tinignan at naglakad na ako pabalik sa aming room.
Pagkarating ko sa room namin ay naabutan ko ang mga kaklase ko na naglalaro ng pingpong. Napangiwi na lang ako dahil sa kakulitan nila.
"Hooooy, Warren!"
"Naman, eh!"
"Anduga pot—!"
"Hoy, Raze!" saway ko. Natahimik naman agad ito at ngumuso sa akin. Nginisian ko na lang sya at umubob na ako sa desk ko.
Tuesday, second day na ng laban sa campus namin. Naglaro din kahapon ang players namin pero hindi ko na napanood 'yon dahil hindi ko namalayang nakatulog pala ako nong tumungo ako sa aking desk. Nagising na lang ako non at tapos na ang laban.
"Panalo tayo!" tuwang-tuwang sambit ni Janella.
"Hmmm." I moaned as I wake up.
"Sabi mo manonood ka kapag tayo na, Makayla?" tanong ni Reigne habang nakangisi.
"Nakatulog pala ako." my voice cracked. Namamaos na naman ako dahil sa tuyong-tuyo kong lalamunan.
"Sino nanalo sa panaginip mo?" mapang-asar na tanong ni Suzette. Binato ko sakaniya yong nakapa kong ballpen sa tabi ko.
"Ako." I smirked. Napairap na lang siya't naupo sa kaniyang upuan.
"Let's Go, Crusaders! Let's Go!" paghimig ni Janella sa chant ng campus namin.
"Paos ka na." natatawang sambit ko habang nagpupulbo.
"Kaka-cheer niya yan." tugon ni Aly.
"Deserve naman ng players natin, eh. Ok na din." Janella smiled.
Ilang schools na ang natalo ng Crusaders, hopefully manalo sila hanggang championship. Hindi ko lang sure kung kailan ang championship, pero sana manalo sila dahil nakita ko kung gaano silang nag-effort para sa laban na 'to.
"Janella, kailan ba ang championship?" tanong ko rito.
"Bukas na, teh!" nanlalaki ang mga mata niya habang sumasagot.
"Saya ka?" natatawang tanong ko. Napanguso lang siya't inirapan ako. "Biro lang. Sana manalo Crusaders!"
"Siyempre, sila pa ba? Yakang-yaka nila 'yan." sagot niya.
"Makayla, si Jace oh!" itinuro ni Aly si kuya Jace na nandoon sa bungad ng court. Kasama niya ang mga kaibigan niyang nanonood din ng laban.
"Tara doon muna tayo." sambit ko sakanila. Tinusok-tusok agad nila ang tagiliran ko habang impit na tumitili sa kilig.
"Ikaw, ah!!! Nako!" tumatawang sambit ni Angeline. Napangiwi na lamang ako.
"Ewan ko sa inyo." I shook my head to hide my smile.
Nahihiya akong ipakita sa kanila na kinikilig ako o masaya. Nakita kong may hawak na puzzle si Reigne kaya't hinatak ko agad yon.
"Pahiram. Pag nabuo ko 'to lilibre niyo ako." I grinned.
"Sige ba!" sagot nilang lahat. Napangisi na lang ako at nagsimulang buoin ang puzzle. Naglakad sila patungo sa puwesto nila kuya Jace na agad ko namang sinundan.
Maya-maya pa'y naramdaman ko ang isang kamay na humatak sa akin patungo sa gilid. Hindi na ako nag-abala pang tumingala dahil busy ako sa pagbuo ko ng puzzle.
"Ayieeeee!"
"Kaya pala!"
"Yon!"
Napanganga na lang ako nang magtilian ang mga kaibigan ko. Saktong nagulo ang puzzle na ginagawa ko dahil nadistract ako sa sigaw nila. I lift my head at nagulat ako nang mapagtanto kong si kuya Jace ang katabi ko.
"Ah, may gagawin pa ako." nagmamadaling inabot ko kay Reigne ang puzzle at naglakad na ako palayo.
Hindi pa ako nakakailang hakbang nang maramdaman ko ang nanlalamig na kamay ni kuya Jace sa aking braso.
"Makayla...." his voice was so tender.
"May gagawin pa ako." pinilit kong huwag maging marupok. Ayokong masaktan na naman sa huli kaya't mas mabuting umiwas na ako hangga't maaga pa.
"Let's—"
"Jayrus! Sabay na ako sayo pataas." pagputol ko sa sasabihin sana ni kuya Jace.
"Ha? Osige." sagot ni Jayrus na halatang nagtataka.
"Alis na ako, babye!" nagmamadaling winaksi ko ang kamay ni kuya Jace at hinatak ko na si Jayrus papunta sa aming room.
Gusto ko si kuya Jace pero hindi ko gusto 'yong sakit. He deserves to be loved, but I don't think I deserve the pain. Everyone knew me as an independent woman, little did they know that I still need someone who can understand and make me realize my worth? Nah-uh.
"Let's Go, Harris. Let's Go!"
"N-C-B-Ey!"
"Support niyo 'yong NCBA!" taas-baba ang kilay ni kuya Jaren sa amin. Napanganga na lang ako.
"Andito kaaaa!" tuwang-tuwa kong sambit.
"Wala yata." pambabara niya. Ngumuso na lang ako at naupo.
The game started and the crowd went wild. Malamang, mahigpit ang labanang 'to. Championship na ngayon at napansin ko na paunti na nang paunti ang students mula sa ibang school.
"Natalo na ba ang RMA?" tanong ko sa mga kaibigan ko nang mapansin kong wala ng mga taga-Montessori.
"Oo, teh! Kahapon pa." nakangising sambit ni Janella.
"Pansin ko lang, tutok na tutok ka sa laban, Janella. Tuwing magtatanong ako, ikaw ang may sagot." I chuckled.
"Ah? Ay, oo." natawa na din siya pati ang squad.
Tinutok ko na ang atensyon ko sa laro. Sa unang set ay lamang ang Harris. Pero sa pangalawang set ay bumawi na sa ang NCBA. Kaso nakakadismaya dahil wala 'man lang nagch-cheer para sa NCBA. Unlike sa Harris, suportadong-suportado sila ng mga schoolmates nila.
"Let's Go, Harris. Let's go!" sabay-sabay na cheer ng mga taga-Harris.
"Gaya-gaya ng cheer. Chant 'yan ng campus natin, eh." I rolled my eyes.
"Chill, Makayla." tumatawang sambit ni Jayrus. Humalukipkip na lamang ako at nag-focus sa laro.
Maya-maya pa'y nag-spike ang number 14 from Harris players. Nasobrahan siguro yon dahil umabot hanggang sa puwesto namin.
"Ohhhh!"
Handa na sana akong saluhin ang bola dahil nakatutok iyon sa puwesto namin. I composed myself nang kakaunti na lamang ang distansya ng bola mula sa akin.
"Lakas mag-spike, ah." rinig kong sambit ng isang lalaki mula sa likod ko. Nanlaki ang mga mata ko at agad akong napalunok. No way!
"Jace, tatama kay Makayla yong bola."
With that, tuluyan na akong nawala sa huwisyo at animo'y sinakop na ng mga boses na iyon ang buong isipan at atensyon ko. Tumingin ulit ako sa bola, sh*t! I closed my eyes and tried to cover my face para hindi ako masaktan sa impact nito pero nagulat ako nang wala akong maramdamang tumama sa akin. Nag-angat ako ng tingin at napagtanto kong nakaharang ang kamay ni kuya Jace sa harap ko as if he's avoiding something to hit me. Jace blocked the ball.
"T-thank you...." kunot-noong sambit ko. I sat straight at agad ko nang iniwas ang tingin ko mula sa kaniya.
"Huwag kang matakot na tamaan, Makayla." ani niya na animo'y may dalawang kahulugan.
Hindi ko alam kung anong sinasabi niya pero iisa lang ang pumapasok sa isipan ko.... it's fine to let something hit you for you to realize one thing— that pain is worth it when there's someone to cure it.
*****