Madey’s Point of View
Pababa na ako ng hagdan dahil kanina pa ako tinatawag ni Mama para mag-almusal.
Ngayon kasi ang first day ko sa school, at talaga namang excited ako. Gusto ko na kasing makilala ang mga new classmates ko.
Kaya nang makababa na ako ng hagdan, dumiretso na agad ako sa dining area para batiin sina Mama.
“Magandang umaga po...” sabi ko kina Mama at Daddy.
Nakita kong lumawak ang ngiti ni Mama nang makita ako.
“Wow, Madey, ang cute mo at bagay na bagay sa’yo ang uniform mo,” puri ni Mama sa akin, na sinigundahan naman ni Daddy.
“Tama, hindi ka lang cute—ang ganda mo na rin,” puri ni Dad.
“Thank you po,” pagpapasalamat ko sa kanila.
Biglang may nakabunggo sa akin. Pagtingin ko, si Ford—dire-diretso lang siyang naglakad na tila walang nadaanan.
Nawala na lang ang atensyon ko sa kanya nang magsalita si Mama.
“Ford, isabay mo sa pagpasok ang kapatid mo, ha? Hindi pa niya alam kung saan ang mga daan,” sabi ni Mama.
“Ayoko, Mom. May dadaanan pa ako,” sagot nito.
Napayuko ako. Lagi naman kasi itong galit at inis, lalo na kung may gagawin itong pabor sa akin.
“Pero ihatid mo muna si Madey,” pilit pa rin ni Mom kay Ford.
Kaya naman sumingit na ako sa usapan nila.
“Mama, ako na lang po ang papasok mag-isa. Tiyak ko po hindi ako maliligaw...” sabi ko.
Kita ko ang pagka-disgusto ni Mama sa sinabi ko kaya umiling pa rin ito.
“No, Madey. Sumabay ka kay Ford.”
Pagkatapos ay matalim siyang tumingin kay Ford.
“Huwag mo akong hintayin magalit, Ford. Ihahatid mo ang kapatid mo sa ayaw at sa gusto mo, or else hindi ka makakasali sa basketball ngayong taon.”
Pinal na iyon.
Pinapaupo siya ni Mama para kumain, pero umiling lang siya.
“Wala akong ganang kumain. Aalis na ako.”
Tumingin siya sa akin nang matalim kaya napayuko ako. Sa totoo lang, naiiyak na ako. Pakiramdam ko kasi napakabigat para sa kanya na kilalanin akong kapatid.
“Pero hindi pa kumakain ang kapatid mo!” sabi ni Mama.
“Hindi ko problema ’yon. Basta aalis na ako. Kung kakain pa siya, okay—maiwan siya,” sabi niya.
Mabilis siyang tumalikod at naglakad.
Napansin kong naikuyom ni Dad ang mga kamay nito—senyales na nagagalit na siya.
Kaya agad akong lumapit at yumakap kina Dad at Mama, saka ngumiti.
“Don’t worry, Mom. Sa canteen na lang po ako kakain ng breakfast.”
Pagkatapos, mabilis akong lumakad para sundan si Ford.
Mabilis siyang maglakad kaya napilitan akong tumakbo.
“Ford, sandali lang please...”
Pero hindi siya huminto.
Kaya nang maabutan ko siya, agad ko siyang hinawakan sa kamay.
Napahinto siya at napatingin sa kamay niyang hawak ko.
“Sorry!” sabi ko sabay bitaw.
“Bakit ba?” sigaw niya sa akin. “Kung susunod ka lang sa akin, sana sumunod ka na lang—’yung hindi ka nag-iingay. Nakakainis ka.”
“I’m sorry kung naiingayan ka sa akin,” sabi ko. “But please, kahit sigawan mo ako basta tayo lang ang magkaharap, o kahit may ibang tao, okay lang sa akin.
Pero sana… kapag si Dad na ang kaharap mo, kahit kaplastikan na kabaitan lang sa akin, okay na. Hindi ako magrereklamo. Ayoko lang kasi na naaawa si Dad sa lagay ko… at baka sisihin pa niya ang sarili niya sa nangyayari sa akin.”
Mahaba ang sinabi ko, pero tinawanan lang niya ako.
“Bakit? Kawawang-kawawa ka na ba sa lagay mo na ’yan? Umpisa pa lang, ayoko na sa’yo kaya pinaparamdam ko ’yon,” sigaw niya.
Doon na ako tuluyang napaiyak.
Naramdaman ko ang pagkagulat niya, kaya hindi siya agad nakapagsalita.
“Tumigil ka sa pag-ungol mo. Pinagtitinginan na tayo,” mahina niyang sabi.
Pero lalo lang akong napaiyak.
Akala ko lalayasan na niya ako, pero laking gulat ko nang hawakan niya ang kamay ko at hilahin ako.
“Taxi!” sigaw niya.
Maya-maya, may humintong taxi. Hinila niya ako papasok at sumakay siya kasunod ko.
“Bakit tayo sumakay? Baba na lang ako,” sabi ko.
Isang nakakatakot na tingin ang ibinigay niya sa akin.
Kaya tumahimik na lang ako.
“Saan kayo, hijo?” tanong ng driver.
“Pakihatid na lang po kami sa St. Qualfie Montessori College, Manong,” sagot ni Ford.
Tahimik ang biyahe.
Hanggang sa nagsalita siya.
“Susundin ko ang sinabi mo. Hindi ako magpapakita ng pagka-disgusto sa’yo sa harap ni Uncle Dad—sa isang kondisyon.”
Napatingin ako sa kanya.
“Ano ’yon?”
“Mula ngayon, hindi ko na maririnig sa’yo ang salitang ‘kuya.’ Hindi kita kapatid, at kahit kailan hindi kita gugustuhing maging kapatid.”
Napayuko ako.
“Okay… Ford.”
Akala ko tapos na, pero hindi pa pala.
“At isa pa—kapag nasa school tayo, hindi kita kilala at hindi mo rin ako kilala. Meaning, strangers tayo.”
Tumango na lang ako.
Napatingin ako sa labas.
“Manong, dito na lang ako,” sabi niya bigla.
Nagulat ako at napatingin sa kanya.
“May pupuntahan pa ako. Ikaw, dumiretso ka sa school.”
“Manong, pakihatid siya sa gate,” dagdag niya.
Pagkatapos, bumaba siya at malakas na isinara ang pinto.
Naiwan akong nakayuko.
Awang-awa sa sarili.
“Hija, andito na tayo,” sabi ng driver.
Bababa na sana ako nang tawagin niya ako.
“Hija, one hundred fifty pesos ang metro n’yo.”
Napahawak ako sa bulsa ko.
“My God… one hundred fifty lang ang pera ko...” bulong ko.
Pero inabot ko pa rin iyon sa kanya.
“Salamat po.”
Pagkababa ko, napabuntong-hininga ako.
“Paano na ngayon ’to… nagugutom na ako, pero wala na akong pera…”
“Bahala na…”
Naglakad ako para hanapin ang room ko.
Hindi rin naman ako nagtagal dahil nakita ko agad ito.
Pero nanunuyo na ang labi ko at nangangasim na ang sikmura ko sa sobrang gutom.
Kaya naisipan ko nang pumasok sa room at humanap ng mauupuan para makapagpahinga.
Pakiramdam ko kasi nahihilo na ako.
Pero habang naglalakad—
biglang umikot ang paningin ko.
Parang may pumitik sa mga mata ko.
At nagdilim ang lahat.
“Daney!”
May sumigaw.
Pinilit kong idilat ang mga mata ko.
Doon ko nakita si Hyun.
Bakas ang pag-aalala sa mukha niya.
“Hyun...?”
At tuluyan nang nagdilim ang lahat.