Hyun's Point of view.
Naglilibot libot kaming mga seniors sa mga room ng juniors para anyayahan ang mga ito kung sino ang may gustong sumali sa tennis club namin.
kaya inuna na naming puntahang ang section one para alamin kung sino ang may gustong sumali, pero laking gulat ko ng makita ko si madey papasok ng classroom maputla ito at halatang nanghihina.
lalapitan ko na sana ito pero biglang slow motion na bumagsak ito. mabuti nalang at naging maagap ako at agad ko itong nasalo bago bumagsak sa sahig.
''Madey!'' mahinang tawag ko dito, saka ko tinapik ng bahagya ang pisngi nito, nakita kong dumilat ito at tinawag ako.
''Hyun?'' tanong nito saka tuluyang nawalan ng malay.
Agad ko itong binuhat at dinala sa school clinic saka ko ito inihiga sa bakanteng kama.
''Anong nangyari?'' tanong ng nurse. Saka lumapit kay Madey.
''Hindi ko po alam. Basta nakita ko nalang na dahan dahan itong bumagsak.'' sabi ko dito, nakita ko itong tumango.
''may lagnat sya, kumain ba sya?'' tanong nito, pero di ko naman alam ang isasagot ko.
''Hindi ko po alam eh.'' sagot ko nalang.
''ka ano ano mo ba sya?'' tanong nito.
''inaanak po sya ng mom ko.'' sagot ko sa tanong nito.. Nakita kong napa tango ito saka kumuha ng face tawel at binasa saka ipinatong sa noo nito ang basa face tawel.
''pumunta ka sa school canteen, bumili ka ng cup noodles para pag gising ng pasyente ay may mahigop itong mainit. Baka kasi hindi pa ito nag aagahan kaya ito nawalan ng malay.'' sabi nito sa akin na agad ko namang sinunod.
Kinuha ko ang bag ko at saka ako lumakad palabas ng pinto, pero bago ko tuluyang isinara ang pinto ay tinanaw ko muna ang maputlang mukha ni madey nasa hindi ko malamang dahilan ay parang may kumirot sa puso ko ng makita ko ito sa ganung kalagayan..
Nang maisara ko na ang pinto ng clinic doon ko napansin na hawak hawak ko pala ang dibdib ko..
Agad ko iyong inalis at dumiretso na ng lakad hanggang sa makarating na ako sa tapat ng canteen.
Pumasok ako sa loob at agad na kumuha ng noodles at pumunta sa counter at nagbayad.
Palabas na ako ng canteen ng mahagip ng tingin ko ang step brother ni madey na si ford o mas kilalang tawag na james.
Agad akong lumapit dito at ng mapansin nya ako kumunot agad ang noo nito na tila kinikilala ako.
''Ikaw si clinford james diba?'' tanong ko, na agad naman nitong tinanguan .
''bakit? Sino ka?'' tanong nito saka tumingin sa mga kasama...
''ako si hyun, kaibigan ni madey.'' sabi ko na agad naman ata nitong naalala..
''ahh may kailangan ka?''tanong nito na parang may bahagya pag kainis...
''tungkol kay madey sana.'' sabï ko na agad ikinabago ng aura nito.
''anong meron sa babaeng yon?'' baliwalang tanong nito.
''nasa clinic sya ngayon may lagnat, nawalan ito ng malay habang papasok ng room kanina.'' sabi ko pero walang reaction sa mukha nito.
''sige aalis na ako.'' paalam ko dito, halata naman kasi na wala itong pakielam kung ano nangyari dito.
Kaya naman muli na akong naglakad palayo sa lugar na iyon para bumalik na sa clinic.
Nadatnan ko si madey gising na at kinakausap ng nurse kaya lumapit na ako...
''Kamusta madey?'' tanong ko dito kaya nalipat ang tingin nito sa gawi ko...
Bahagya ito nagulat pero napalitan ng ngiti ang pagka gulat na iyon....
''hyun ikaw nga? Bkit ka narito?'' tanong nito.
''Nasa room nyo ako kanina, para sana mag recruit ng mga studyante kaya nakita kita ng bumagsak ka, ano ba kasing nangyari sa iyo?'' Tanong ko dito pero ngumiti lang ito.
''hindi kasi ako nakakain kanina sa sobra kong excited pumasok, kaya eto tuloy nangyari sa akin..'' sabi nito na ikinangiti nito.
''dapat kumain kapa rin pag umaalis ka.tignan mo tuloy nangyari sayo.'' sabi ko.
''Opo.'' sagot nito ng nakangiti, maya maya pa ay hinanda ko na ang cup noodles na kakainin nito. At ng maihanda kona ay lumapit na akong muli dito...
''kumain kana at ng makainom kana ng gamot..'' sabi ko, kaya nagsimula na itong kumain...
Nang biglang bumukas ang pinto at niluwa nito si james.
''kuya bakit ka narito?'' mahinang banggit nito sa pangalan ni james.
Pero imbis na sumagot sa tanong ay ito ang nagtanong.
''ano ba kasing ginagawa mo at nawalan ka ng malay?'' tanong nito.
''ano kasi kuya.'' hindi maituloy na sabi ni madey.
''hayaan mona nga. Okay kana ba?'' tanong ni james, na tila ikina gulat ni madey.
''O~Oo'' alanganing sagot nito.
''kung ganun tumayo kana dyan at ihahatid na kita.'' biglang sabi ni james na ng ulo ko kaya sumali na ako sa usapan nila...
''hindi sya pwede umalis nalang.'' sabi ko saka ako tumingin ng diretso dito, nakipag titigan din naman ito.
Naramdaman ko nalang na may kumalabit sa likuran ko, pag tingn ko si madey umiiling.
''Okay na ako hyun.'' sabi nito. Pero imbis na sundin ito ay inilingan ko ito.
''Kumain ka muna dyan, mamaya pagka kain mo papainumin kita ng gamot. Saka kita papayagang umalis.'' sabi ko na ikinayuko nito.
Saka ako muling tumingin kay james.
''payag akong umalis kayo pero gaya ng sabi ko kailangan muna nyang kumain para makainom ng gamot..'' direktang sabi ko, hindi naman ito umimik lumabas lang ito ng pinto.
********************
Clinford james Point of view
Bakit ba ako nag punta dito? Mahinang bulong ko sa sarili ko. Nasa hallway na kasi ako papunta ng clinic.
At ng nasa tapat na ako ng clinic dahan dahan kong binuksan ang pinto, at tumambad sa akin ung lalaki kanina na inaabot ung pagkain kay madey.
Na sa totoo lang ay kinaiinis ko.
Masyado naman ata silang close dalawa.
Maya maya napansin na ako ni daney kaya naman bumakas ang pagka gulat sa mukha nito.
''ford! Bakit ka narito?'' mahina at alanganing tanong nito sa akin. Pero imbis na sagutin ko ito ay ako ang nagtanong dito.
Ewan ko ba bakit ang init ng ulo ko pag nakikita ko si madey.
''ano ba kasing ginagawa mo at nawalan ka ng malay?'' medyo mataas ang tono ko.
''ano kasi kuya.'' tila kinakabahang sabi nito kaya naman nagsalita nalang ulit ako.
''hayaan mona nga, okay kana ba?'' tanong ko dito, ayoko na kasing magtagal pa dito dahil naiirita ako sa kasama ni madey.
''O~Oo'' bulol na sabi ni madey kaya naman inaya kona itong umuwi para maihatid na ito, pero sa bandang huli sumingit nanaman yung lalake at pinigilan si madey na umalis.
Sabagay may punto naman ito na kailangan muna nitong kumain at ng makainom ng gamot pero naiinis parin ako kaya di nalang ako nagsalita lumabas nalang ako at doon nalang ako nag hintay sa paglabas nito.
Sa totoo lang hindi naman ako dapat naghihintay dito dahil wala naman akong pakiealam dito. Pero may pakiramdam ako na dapat ko itong gawin dahil kay uncle pa, ang dad ni madey na naging mabait sa akin.
Mga fifteen minutes palang akong naka upo sa upuan ng lumabas si madey.
Kasunod yung kababata nito.
''kuya? Hinihintay mo ako?'' tanong nito na tila ikinagulat pa ata nito.
''ano ba sabi ko sayo kanina? Diba sabi ko sayo ihahatid kita?'' inis na sabi ko.
''Oo pero di ko akalain na hihintayin mo ako dito,pasensya na.'' mahinang sabi nito kaya naman napayuko ito.
''tara na.'' inis na sabi ko. Susunod na sana ito pero tinawag nanaman ito nung lalaki.
Ano nanaman kaya ang sasabihin nito?
Nakita ko ito palapit kay madey, maya maya pa ay hinubad nito yung jacket at ibinalabal sa balikat ni madey saka tumingin sa akin.
''pare ingatan mo si madey'' may diin sa salita nito bago muling hinarap si madey.
''ingat ka huh? Tawagan mo ako mamaya huh? Pag nasa bahay kana, ingat ka ulit.'' sabi nung lalake, kaya naman sa sobra kong inis nauna na akong umalis sumunod sya sa akin kung gusto nya.
''bye hyun salamat kanina tatawagan kita mamaya bye.'' paalam nito saka tumatakbong sumunod sa akin...
To be continue........