Madey's POint of view...
Nakasunod lng ako kay ford habang naglalakad ito papunta sa parking ng mga sakayan ng mga taxi. Sa totoo lang kinakabahan ako dahil wala na akong pera, para ipamasahe namin sa taxi.
Kaya naman ng nasa tapat na kami ng taxi, ay huminto na ako saka tumingin dito.
nakita kong tumingin din ito sa akin saka sabay sabing.
''makakarating ba tayo sa bahay kung tititigan mo lang kami ng taxi?'' inis na sabi nito sa akin.
'' pero wala na kasi akong pambayad sa taxi kuya..'' sabi ko dito, nagulat ako ng bigla itong nagtaas ng boses.
''tanga ka ba talaga o sadyang ginagalit mo lang ako? Ilang beses kong sasabihin sayo na wag mo akong tatawaging kuya? Nananadya kaba? Hindi kita kapatid'' sigaw nito sa akin na ikinayuko ko..
''sorry ford..'' mahina kong sabi.
''pumasok kana nga lang.'' sabi nito sa akin saka pumasok ng taxi, kya naman nagmadali sumunod narin akong pumasok sa loob. Nakita kong bahagya itong umusod upang maka upo ako ng maayos...
Mayamaya lng naramdaman ko na ang pag andar ng taxi.
Kaya tumanaw nalang ako sa labas na kasalukuyang umaambon...
Ang sama talaga ng pakiramdam ko..
Maya maya nakita kong may kinukuha si ford sa bag nya, pero hindi na ako nag abalang tignan ito, dahil baka magalit lang ito sa akin..
Hanggang sa nagulat nalang ako ng biglang may humahampas na kung anong bagay sa braso ko kaya ng tignan ko ito, sumbrelo na puti ang nakita ko.
Agad akong napatingin sa nag aabot sa akin pero hindi ito sa akin naka tingin kundi sa bintana.
''isuot mo ng hindi ka mabinat ng husto...'' sabi nito sa akin pero yun nga lang hindi ito naka tingin sa akin ng sabihin iyon...
''salamat.'' sabi ko pero hindi na ako nakarinig pa ng sagot mula dito...
Hanggang sa makarating na kami sa tapat ng bahay namin ay di parin ito kumikibo.
Maya maya nakita kong inabutan ni ford ng 200 yung taxi driver at di na kinuha pa yung sukli. Basta dire diretso lang ito nag lakad papasok ng bahay.
Pag pasok namin nadatnan namin yung labandera sa bahay at sinalubong kami agad..
''nasan sila?'' narinig kong tanong ni ford.
''naku biglaan ang out of town ng mommy at daddy nyo, di ko alam kung saan pero sabi ni mam mag eemail daw sya sayo.'' sabi nito.
''Okay!'' sabi lang ni ford saka lumakad papasok sa loob ng bahay...
Sumunod naman ako agad dahil baka magalit nanaman ito sa akin...
Nakita kong dire diretsong umakyat si ford sa kwarto.
Kaya naman ako dumiretso na sa kusina para uminom ng tubig.
Ng biglang may nagsalita sa likod ko..
si ford akala ko umakyat ito hindi pala.
'' penge rin ako.'' sabi ni ford, kaya agad naman akong kumuha ng isa pang baso para salinan ng tubig pero dahil sa nanginginig ako tumatapon lang yung tubig sa baso..
''ako na nga.'' agaw ni ford sa baso at pitsel, saka ito na ang nagsalin.
''pasensya na..'' tangi kong nasabi kay ford.
''umakyat kana sa kwarto mo at nasusura ako na makita ka.'' sabi nito sa akin. Saka uminom ng tubig..
Sumunod naman ako agad dahil masama na talaga ang pakîramdam ko.
pero bahagya akong napahinto ng medyo umikot ang paningin ko.
Napahawak pa nga ako sa ding ding ng mga sandaling yon...
Nang biglang..
''nahihilo ka?'' biglang tanong ni ford sa akin.
''Okay lang ako, sige akyat na ako.'' sabi ko saka ako umayos ng tayo at dire diretsong umakyat papunta sa kwarto nito.
***Clinford james Point of view..
maputla at halatang may sakit si madey kaya sumunod ako dito matapos kong sabihan ito na nasusura ako pag nakikita ko sya.
Mabilis naman itong sumunod sa sinabi ko dahil mabilis itong lumakad palayo,at dahil kasalukuyan na ngang paakyat si madey sa kwarto nito, kaya nakita ko ito ng mawalan ng balanse at napakapit sa may ding ding.
''nahihilo ka?'' tanong ko nakita ko ang gulat sa mukha nito ng makita nya ako, agad itong umiling at sabay sabing.
''Okay lang ako! Sige akyat na ako.'' may ilang na sabi nito sa akin, saka mabilis na umakyat.
Kaya naman medyo nakahinga ako ng maluwag ng makita ko itong nakapasok na ng maayos sa kwarto nito...
Madey's Daddy Point of view...
''Sigurado ka ba mahal, na okay lng na iwan natin ang mga bata sa bahay ng silang dalawa lang?'' sabi ko sa asawa kona kasalukuyang nag aayos ng mga damit namin sa maleta..
''wag kang mag alala sa mga anak natin, malaki na si ford ko hindi nya papabyaan si madey.'' sabi nito na ikinatango ko lang.
''para kasing kinakabahan ako na may mangyayaring masama.'' sabi ko pero inilingan lang ako nito saka ako niyakap sa may likuran ko...
''maniwala ka sakin okay lang sila.. Mas maganda nga iyon ng may bonding silang dalawa at ng magkakilala sila..'' sabi muli nito sa akin, na tinanguan ko nalang..
Clinford james Point of view...
Mag papast seven na pero di parin bumababa si madey mula sa kwarto nito, at ikinaiinis ko iyon.
Bakit?
Hindi kasi ako mapalagay sa hindi ko malamang dahilan.
Parang gusto kong pasukin ito sa kwarto, baka kasi puro pakikipag tawagan lang ang gngawa nito dun sa kababata nito na hyun ang pangalan.
Kaya nagpasya na akong umakyat at buksan ang pinto.
Bumungad sa akin ang madilim na kwarto.
''bakit walang ilaw? Madey nasan ka?'' tawag ko pero walang sumasagot.
Kaya kinapa ko ung switch ng ilaw at ng makapa kona ay agad kong pinindot iyon na agad nagpaliwanag ng kabuuan ng kwarto.
Tumambad sa paningin ko si madey nakahiga at balot n balot ng kumot, agad akong lumapit dito at sinalat ko ang noo nito at doon ko nakumpirma may lagnat ito at sobrang taas..
''Mommy!'' mahinang daing nito.
''malamang naaalala nya ang mom nya.'' bulong ko. Mayamaya dumilat ito at tila nagulat ng makita ako....
''ford?'' takang takang tawag nito sa akin.
''may lagnat ka.'' sabi ko.
''ganun ba? Okay lang ako mawawala din ito.'' sabi nito saka ito nag ambang tatayo.
Kaya pinigilan ko ito.
''humiga ka lang dyan.'' sabi ko dito, kaya kitang kita ko ang pagkagulat at pagtataka nito.
''pero!'' alanganing sabi nito..
''wag ka ng umangal at mag pero pero dyan. Humiga ka lang dyan magluluto ako ng soup ng makakain ka at makainom ng gamot.'' sabi ko saka ko binuksan ang pinto ng kwarto. Pero bago ako tuluyang makalabas ay tinawag ako nito.
''ford, salamat huh?'' sabi nito kaya hinarap ko ito.
''wag kang magpasalamat, sisingilin din kita pag magaling kana.'' yun lang ang sinabi ko at iniwan ko na itong tila naguguluhan.
To be continue......