Madey's Point of view Nag aayos na ako ng mga gamit namin ng marinig kong bumukas ang pinto kaya napatingin ako. Si hyun pumasok, tahimik lang ito at halatang may dinaramdam. Hindi ito nagkikikibo sa akin nitong mga nakaraang araw kaya naman ako na ang lumapit dito at nag tanong. ''hyun okay kalang ba?'' ''hindi.'' sagot nito na ikinayuko ko. Matagal kaming nag pakiramdaman ng bigla itong nag salita. ''madey, mahal na mahal kita alam mo naman yon diba?'' tanong nito pero nanatili lang itong nakatingin lang sa malayo. ''Alam ko naman yon.'' sagot ko. Matagal ito bago muling nagsalita, kaya ako nalang ang nagsalita. ''naka ayos na mga gamit natin, tingin mo may nakalimutan paba tayo?'' tanong ko dahil wala na man na akong ibang masabi. ''tingin ko wala na.'' sagot nito. Kaya naman

