Hyun's Point of view. Malalim na ang gabi pero di parin bumabalik si madey sa kwartong inupahan namin. Kaya naman lumakad ako palabas ng kwarto namin at naglakad lakad sa may tabing dagat, medyo madami paring nag na night swimming pero kahit ganun hindi naman mahagilap ng mata ko si madey. Nag aalala na tuloy ako, hanggang sa makalayo na ako ng tuluyan sa mga taong naroroon. Napatingin ako sa mga naglalakihang mga bato, may natanaw akong dalawang tao, aalis na sana ako pero parang mina magnet ang mata ko na tignan kung sino ang nasa gilid ng batuhan. Pero nanlamig ang katawan ko ng mapagtanto ko kung sino ang mga ito. ''madey?'' nasabi ko ngunit tanging ako lang ang nakakarinig, muli tumingin ako dito, doon muli ko nanaman itong nakita nakayakap ito kay ford habang naghahalikan ang m

