Chapter 4

1365 Words
*** Nang makapasok kami ni Mrs. Perez sa bahay niya ay agad niya akong hinatid sa kwartong tutuluyan ko. Maayos ang kwarto, malinis tignan, at malawak. Ang ganda ng bahay niya, malaki ito at halatang yayamanin ang mga gamit. Mayaman nga talaga siya. Napalunok ako nang maalalang kasal nga pala si Mrs. Perez. s**t! Nandito ba iyong asawa niya? Pero wala akong nakita kanina na kahit sino. Malaki ang bahay pero ni isang maid ay wala, wala ring guard. Natigil ako sa pag-iisip nang muling bumukas ang pintuan ng kwartong binigay sa akin ni Mrs. Perez. Pumasok siya dala ang ilang damit. "If you want to take a shower, you can use these. Bago 'yan at malinis. Even the underwear," seryosong sabi nito. Napalunok ako nang makita iyong damit na pinatong niya sa bed ko lalong-lalo na iyong pulang bra at panty. Siguro ay sa kaniya iyon pero hindi pa niya nagagamit. "If you need something, katabi lang nitong kwarto na 'to ang room ko. Just knock," nang masabi niya 'yon ay muli na siyang umalis at sinarado ang pintuan. Lumapit ako sa damit na nilapag niya at kinuha ito. Napabusangot ako nang makitang sweatshirt ito at sweatpants. Tangina! Paano ko siya ngayon aakitin kung ganito ang damit na binigay niya sa akin? Halos balot ang buong katawan ko rito. 'Wag na lang kaya akong magdamit? Hindi ko na lang ito susuotin. Bra at panty na lang tapos pupunta ako sa room niya na ganoon ang suot. Nasabunutan ko ang sarili ko dahil sa naisip ko. Anong iniisip ko? Pusang gala naman, oh! Ang hirap naman nito. Basic lang sa akin ito, eh. Pero pagdating kay Mrs. Perez nawawala ang lahat ng kaalaman ko sa pagkuha ng babae. Nababalangko ako! I'm doomed! Nagshower na lang at sinuot iyon. May mga bago ring gamit sa bathroom niya katulad ng toothbrush at mga iba pang toiletries. Halatang handang-handa kapag may bisita. Sa totoo lang ay hindi naman masama itong binigay niyang damit sa akin dahil hapit pa rin naman ito sa katawan ko. Bagay na bagay sa akin at tila mas tumangkad pa ako dahil dito. Ano kayang itsura niya kapag suot niya ito? Siguradong parang nagmomodel lang siya at mas bagay na bagay sa kaniya. Napasapo ako sa ulo ko nang maalalang test nga pala namin bukas. Wala akong dalang reviewer. s**t! Iyong deal namin ni Mrs. Perez! Paano ko iyon magagawa? Kakamut-kamot ako ng ulong tumayo at binuksan ang pintuan ko. Kakapalan ko na ang mukha kong humiram ng reviewer. Mahirap na at baka bumagsak ako sa subject niya. Bago kumatok sa pintuan niya ay napadasal muna ako na sana ay pahiramin niya ako. "Yes?" Walang kaemo-emosyon niyang tanong sa akin. Napalunok ako nang makitang nakasuot siya ngayon ng black silky pajamas. Ang ganda talaga ng hubog ng katawan niya at halatang-halata kahit iyon ang suot niya. Ako dapat ang nang-aakit sa kaniya pero bakit tila siya ang nang-aakit sa akin? Bakit parang ako ang naaakit? Ang rupok ko! "Ms. Villaflor?" "A-ah, yes, ma'am. Kung pwede ay hihiram sana ako ng reviewer para sa test bukas," kakamut-kamot sa ulong sambit ko. Mas lalo niyang binuksan ang pintuan ng kwarto niya kaya nakita ko ang loob nito. May ilang papers sa bed niya maging sa study table niya. May laptop ding nakaopen. Siguro ay ginagawa niya iyong lesson namin para bukas. "Kapag may hindi ka naintindihan diyan you can ask me," sabi nito nang maiabot niya sa akin ang isang photocopy ng reviewer namin. "Yes, ma'am. Thank you," pagkasabi ko no'n ay bumalik na ako sa kwarto na tutulugan ko. Napabuntong hininga ako nang maisara ko ang pintuan. Siguro ay bukas ko na lang aakitin si Mrs. Perez, magfofocus na lang muna ako sa pagrereview tutal ay may ilang araw pa naman akong gawin iyong pinapagawa sa akin nila Zeke. Bahala na. Bubuklatin ko na sana ang reviewer na binigay niya sa akin nang magring ang cellphone ko. Napairap ako nang makitang si Avery ang tumatawag. Kahit naiinis ako sa kanila ay sinagot ko pa rin ito. "Problema mo?" Agad na bungad ko rito. "Tangina, asan ka? Nandito kami sa codo mo at hindi namin mabuksan. Nagpalit ka na agad ng password," sigaw nito sa akin at narinig ko rin ang boses nila Vincent. Natawa ako. Eh, paanong hindi ko papalitan iyong password ko? Halos araw-araw na silang pumupunta sa unit ko nang walang paalam. Para ngang sila na ang may-ari roon. "Anong password mo? Basang basa kami, pusang gala. Nasaan ka ba?" "Bakit ba kasi kayo nariyan? At bakit ko naman sasabihin ang password ko?" "Dali na, Zari. Galing kaming bar. Motor ang mga gamit namin kaya hindi kami makakauwi dahil siguradong mas lalo kaming mababasa," paliwanag ni Caleb. Oo nga pala at pumunta sila sa bar, hindi na ako sumama dahil nga iniisip ko itong test bukas. Mas inisip ko iyong pagrereview ko. "Teka, hindi mo pa sinasagot iyong tanong namin. Nasaan ka ba?" This time ay si Avery na ang nagtanong. "Overtime ako," sambit ko at ngumisi kahit hindi nila iyon nakikita, "hoy, hindi ba kayo aware na may test bukas?" "Anong overtime? 'Tsaka may test bukas? Sinong nagsabi?" "Bahala kayo sa buhay niyo. 'Wag niyo akong kulitin," sabi ko at pinatay na ang tawag pero tinext ko rin sa kanila ang password ng condo ko dahil naaawa rin naman ako. Kinuha ko na ulit iyong reviewer na binigay sa akin ni Mrs. Perez pero bago ko pa man iyon mabuklat ulit ay bigla na lang namatay ang ilaw kaya napasigaw ako at agad na kinuha ang cellphone ko 'tsaka binuksan ang flashlight nito. Nagmadali kong binuksan ang pintuan at lumabas pero nahulog ang cellphone ko nang may nakabangga ako kaya mas lalo akong napasigaw dahil sobrang dilim na naman. Brownout, tangina. Ngayon pa talaga. "Are you okay?" Tanong ng boses ni Mrs. Perez. May kung anong pumasok sa isip ko kaya yumakap ako sa kaniya. Nagpanggap ako at nag-inarteng takot na takot. Alam kong hindi na ito pang-aakit kundi pangmamanyak na sa kaniya pero.. basta! Naramdaman kong natigilan si Mrs. Perez sa ginawa ko at dahil hindi naman niya nakikita ang mukha ko ay napangiti ako, napangisi saka pasimple siyang inamoy. Ang bango niya, nakakaadik iyong amoy niya at nakakaakit. "Gusto mo bang magstay muna sa room ko?" Tanong nito matapos tumikhim kaya lumayo na ako sa kaniya dahil baka magtaka na siya. "O-okay lang po ba?" Tanong ko pa at mas lalong pinanindigan ang pag-iinarteng takot. Tumango lang ito at hinawakan ako hanggang sa makapunta kami sa kwarto niya. Inayos niya ang ilang papel na nagkalat sa bed niya upang makaupo ako ro'n. Sobrang lakas pa rin ng ulan at may kasama pa rin itong kulog at kidlat kaya rin siguro nagbrownout. Paano ako makakapagreview ngayon? Oo nga pala, nakalimutan ko iyong reviewer ko sa kwarto dahil sa pagmamadali ko kanina. "Ang init," mahinang sabi ko pero sapat na para marinig niya. Nagkunwari akong naiinitan kahit hindi naman talaga ganoon kainit. Gusto ko lang talagang magtanggal ng damit, desperado na akong akitin siya. "Wait for me here, kukuha lang ako ng pamalit mo," malamig na sabi nito at pumasok na sa isang pintuan dito sa room niya. Habang hinihintay siya ay tinanggal ko na ang suot kong sweatshirt at sweatpants. Ngayon ay nakapanty at bra na lang ako. Kulay pula pa, sana naman ay maakit siya sa gagawin ko. "Here-" natigilan siya nang makita niya akong naka-underwear na lang pero muling bumalik iyong walang kaemo-emosyon niyang mukha. Lumapit ako sa kaniya para mas lalo niyang makita ang hubog ng aking katawan at para akitin na rin siya. Nang makalapit ako sa kaniya ay agad na nawala ang ngiti sa mga labi ko nang nilagay niya ang hawak niyang damit sa mukha ko. "Magdamit ka na, Ms. Villaflor," seryosong sabi nito at umalis na sa harapan ko saka naupo sa bed niya at hinarap ang kanyang laptop. Napapikit ako dahil sa kahihiyan. s**t! Paano ko ba siya maakit? Gusto niya bang pati panty at bra ko ay tanggalin ko na? Kung iyon ang gusto niya ay gagawin ko talaga para lang maakit siya! Pusang gala! Ano 'tong pinasok ko? To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD