Chapter 3

1818 Words
*** "Problemadong-problemado, pres, ah? Okay ka lang?" Pansin sa akin ng isa kong kaklase na si Jonah at naupo siya sa tabi ko dala ang nakatray niyang pagkain. Lumapit din iyong iba sa amin, mga kaklase ko rin pero hindi ko sila pinansin. Ginulo ko ang buhok ko at pabagsak na pinatong ko ang ulo ko sa table. "Hala, iyong juice ko," reklamo ni Jonah nang may tumilapon sa binili niyang juice. "Ayos ka lang, pres?" Tanong ng isa pa. "Hindi siya ayos. Tignan mo nga, oh," mahina ngunit rinig kong sambit ni Jonas. Tangina! Paano ako magiging ayos? Bakit ba kasi ang yabang ko kanina? Paano kapag hindi ko pala maperfect iyong test bukas? Edi, bagsak ako? Edi, hindi ako makakapagraduate? Tanginang deal 'yan! "Oy, tulungan niyo ako. Ayaw kong bumagsak," halos naiiyak nang sabi ko, "tangina," mura ko pa at nag-angat na muli ng ulo. "Imposible namang babagsak ka, pres. Sus, ikaw pa ba?" "Kami nga dapat ang hihingi ng tulong sa 'yo, eh. Mas delikado naman kami," nakabusangot na saad ni Dara. Bumuntong hininga ako at napainom sa juice ni Jonah. Aagawin niya sana ito sa akin pero hinayaan niya na lang ako. Siguro dahil naawa na rin sa itsura ko. Matapos iyon ay nagpaalam na muna ako sa kanilang maglakad-lakad na muna. Nang makarating ako sa field ay uupo sana ako sa isang bench nang biglang may lumapit sa akin. Napairap ako nang mapagtantong kilala ko iyon. "Game na ako," sabi ni Paulo sa akin habang nakangiting-aso pa. Isa si Paulo sa hindi tumitigil na nanliligaw sa akin kahit pa man sinabi ko na sa kaniyang ayaw ko sa kaniya at ilang ulit ko na rin siyang binusted ay hindi pa rin ito nawawalan ng pag-asa. Ewan ko ba. Sa dami ng pwede niyang ligawan ay ako pa talaga iyong hindi niya maiwan-iwan. Gwapo naman siya at marami ring nagkakagusto sa kaniya, masyado siyang nagpapakatanga. "Pinagsasasabi mo?" Iritang tanong ko rito at padabog na naupo sa bench. "'Di ba, sabi mo sa akin last month na papayag ka nang maging girlfriend ko kapag natalo kita sa motor race?" Hindi ko napigilan ang paghagalpak ko ng tawa dahil sa sinabi niya. Oo nga pala, nakalimutan ko na rin dahil last month ko pa iyon sinabi at hindi naman ako seryoso ro'n. At sigurado naman akong hindi niya ako matatalo. "Mag-iisang buwan na rin akong nagp-practice para ro'n. Ngayon, ready na ako." Mas lalo akong natawa, "sige, sige," sabi ko habang nagpipigil ng tawa, "pero kapag natalo ka 'wag na 'wag mo na akong guguluhin pa. Deal?" Tanong ko rito. Napalunok siya bago tumango. Halatang kinakabahan. "Mamayang seven. Give me a piece of paper and pen. Isusulat ko roon iyong address kung saan magaganap ang race natin." Agad niyang bknuksan ang bag niya at kinuha ang notebook saka ballpen niya. Sinulat ko naman doon iyong address at nang maisulat ko iyon ay iniwan ko na siya roon. Napapailing na lang ako habang naglalakad. Hindi ko talaga aakalaing seseryosohin niya iyon. Ganoon ba siya ka-in love sa akin? Ibang klase talaga ang kamandag ko. Tsk. Natigilan ako nang makita ko si Mrs. Perez na naglalakad sa corridor habang may mga hawak siyang folder. May ilan akong nakikitang estudyante na sumusulyap sa kanya lalong-lalo na iyong mga lalaki. Kunwari ay nakatingin pa sila sa itaas noong naglakad ito sa harapan nila pero noong medyo nakalayo na sa kanila si Mrs. Perez ay todo na ang mga tingin nila sa katawan nito. Muli kong tinuon ang tingin ko sa naglalakad na si Mrs. Perez. Taas noo lang siya at tuwid na naglalakad. Para talaga siyang nagmomodel sa bawat galaw niya. Ang perfect niya sa paningin ko, halos wala akong makitang kahit kaunting mali sa kanya, siguro sa ugali meron pero sa buong katawan niya ay wala. Unfair! "Ma'am Perez," lakas loob na tawag ko at nagmadaling lumapit sa kaniya. Ramdam kong pinagtitinginan na ako ng ilang estudyante dahil sa pagtawag ko sa terror na propesor ko. Kilala sa lahat ng department si Mrs. Perez dahil bukod sa abot hanggang langit ang pagiging terror niya ay kilala rin siya dahil sa kagandahang taglay niya. Halos kasi lahat ay nabibighani sa kanya. Kapag naglalakad siya ay nakukuha ang atensyon ng bawat isa at nagkakainteres na sila dito kaya hinahagilap na siya sa kung saan dito sa University. "Ma'am, joke ko lang iyong kanina," pambabawi ko sa sinabi ko kanina sa kaniya at napakamot sa ulo saka humalumbaba. "Hindi ako nakikipagbiruan, Ms. Villaflor," seryosong sabi nito at hindi man lang tumigil sa paglalakad. "Ma'am, naman. Gusto ko pong grumaduate on time." Alam kong ikakapahamak din niya kapag binagsak niya ako nang dahil lang sa deal namin pero kasi.. ako ang nagsabi no'n. Kung sakali mang hindi ko maperfect iyong test bukas at ibabagsak niya ako ay kasalanan ko na iyon at ang kapal naman ng mukha kong ireklamo siya gayong ako ang gumawa ng deal. Ano ba naman kasi itong naiisip ko?! Napaka-impulsive ko! "Then perfect the test tomorrow. Study," simpleng sabi lang nito at pumasok na sa office niya. Napapikit ako at inimagine ang sarili kong inuuntog ang sarili ko sa pader. Patay talaga ako! Dapat ngayon pa lang ay nag-aaral na ako- "Ow, s**t!" Sambit ko habang naglalakad nang maalalang sinabi ko nga pala kay Paulo na mamayang gabi ang motor race namin, "kailangan kong hanapin si Paulo para icancel iyon," parang tangang sambit ko at nagsimula nang maghanap pero hindi ko siya mahanap, "tangina! May klase pa pala ako," muling sambit ko sa sarili ko at tumakbo na papunta sa room ko. Alas syete nang magkita kami ni Paulo sa isang Motor Speedway. Hindi ko na ito pinacancel pa dahil mabilis lang naman iyon. Matatalo ko agad siya dahil sigurado akong wala pa siyang masyadong alam. Hilaw pa siya sa ganito samantalang ako ay ilang taon na nang pinasok ko ang mundong ito, ang pakikipagkarera gamit ang motor. "Paano ba 'yan? Talo ka," ngisi ko kay Paulo habang pinupunasan ko ang helmet ko. Tumawa ako nang makita ang itsura niyang tila paiyak na. Tinapik ko siya sa braso, "let's just be friends, Paulo. Iyon lang talaga ang kaya kong maibigay sa 'yo," sambit ko. Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ko. Bago pa man siya makapagsalita ay muli ko nang pinaandar ang motor ko at iniwan na siya roon. Dumiretso ako sa condo ko para iwan ang motor ko at kinuha ang kotse ko para iyon ang gagamitin papunta sa bahay ni daddy dahil may dinner date kami ngayon. Ayaw na ayaw ni daddy na nagmomotor ako kaya hangga't maari ay hindi ko pinapakita sa kaniya ang paggamit ko no'n. Hindi naman siya tutol sa pakikipag-race ko, basta ang lagi niya lang sinasabi ay mag-ingat ako at 'wag na 'wag kong ipapakita sa kaniya kung paano ko patakbuhin ang motor ko at baka atakehin siya sa puso. Mabilis na natapos ang dinner date namin ni daddy dahil nagmamadali rin ako. Naalala ko iyong test ko kay Mrs. Perez bukas at iyong deal namin. s**t, bakit ko iyon nakalimutan? Habang nagd-drive ay biglang bumuhos ang malakas na ulan kaya mas lalo akong napamura pero mabuti na lang at hindi na masyadong traffic ngayon. Natigil ako nang may isang familiar na sasakyan sa gilid. Bumusina ako at binuksan ang bintana sa passenger seat para makita kung kanino iyon. Mabuti na lang at may payong sa backseat ko kaya kinuha ko ito at ginamit sa paglapit doon sa isang sasakyan. Gamit ang flashlight ng aking cellphone ay nakita kong flat pala ang isang gulong nito sa likuran. Kinatok ko ang bintana sa driver's seat at ganoon na lang ang gulat ko nang makitang si Mrs. Perez iyon. Oo nga pala, sa kaniya itong kulay pulang sasakyang ito. Nakita ko siya sa loob habang hawak niya ang kaniyang cellphone at tila may tinatawagan. Humihingi siguro ng tulong. Tumingin siya sa akin, ganoon pa rin at walang kaemo-emosyon ang mukha. "Need help, ma'am?" Nakangiting tanong ko sa kanya, "hintayin mo ako dito, magtatawag lang ako ng pwedeng mag-ayos diyan sa gulong ng sasakyan mo," sabi ko at aalis na sana nang pigilan niya ako. "Can you drive me home?" Mahinang ngunit rinig kong sambit niya. "Po? Pero paano itong sasakyan mo?" Natigil ako at umiling. Binuksan ko iyong pintuan ng driver's seat at hinintay siyang lumabas. Nang makalabas siya ay agad akong dumikit sa kaniya para mapayungan din siya hanggang sa makarating kami sa sasakyan ko. Binuksan ko ang pintuan ng passenger seat para sa kaniya at nang makapasok siya ay umikot naman ako papunta sa driver's seat. "Wait, ma'am. I'll just text someone who can fix your car," sabi ko at tinext iyong kakilala kong 24/7 na laging ready sa pagtulong sa akin, si Manong Wilfred na driver ni daddy na tinutulungan ko rin sa pagpapaaral sa anak niyang high school. Ginagamit ko iyong mga napapanalunan ko sa motor race para tulungan iyong mga nangangailangan, tutal ay hindi ko rin naman kailangan ang mga 'yon. Nang matapos iyon ay napatingin ako sa kaniya nang mapansing nakatingin din siya sa akin. Kahit tinulungan ko na siya ay wala pa ring kaemo-emosyon ang mga tingin niya sa akin. Ibang klase! "Ma'am? Kumain ka na? Tara lunch-este dinner," aya ko kahit tapos na akong kumain. "Magrereview ka pa, Ms. Villaflor. Baka nakakalimutan mo ang deal natin?" Shit, oo nga pala. Napakamot ako sa ulo ko at nagsimula nang magdrive nang mailagay niya iyong location niya sa google map ng cellphone kong nasa harapan lang. Mas iniisip ko ngayon iyong pinapagawa sa akin nila Zeke. Lalo na't kasama ko siya ngayon, pagkakataon ko na sana ito. Dalawang araw na ang nasasayang ko. "Ma'am, pwedeng sa isang araw na lang iyong deal natin?" Tanong ko pa at baka pumayag. "No." "Patay nga talaga ako," bulong ko sa sarili ko. "May sinasabi ka?" "Wala po," sabi ko na lang at tinuon na ang atensyon ko sa daan at sa pagd-drive. Nang makarating kami sa bahay niya ay iniabot ko sa kaniya ang payong na ginamit ko kanina, "gamitin mo na lang muna, ma'am," sabi ko at ngumiti. "How about you? Malapit ba rito ang uuwian mo?" Napatingin ako sa labas, mas lalong lumalakas ang ulan at may kasama na rin itong kulog at kidlat. Medyo malayo na ito sa condo ko pero bahala na. Nag-aalangang tumango ako kay Mrs. Perez at napasigaw ako sa gulat nang bigla na lang kumulog at kumidlat nang malakas. Maging si Mrs. Perez ay nagulat hindi dahil sa kulog kundi dahil sa impit kong sigaw. "Mag-stay ka na muna sa bahay ko, Ms. Villaflor. Masyadong delikado ang daan," seryosong sabi nito. Hindi sana ako papayag pero muli kong naisip iyong pinapagawa nila Caleb sa akin kaya napatango na lang ako. May kasama pa iyong ngiti. Sa imagination ko ay napapalundag na ako at napapasuntok sa hangin. Pagkakataon ko na 'to! To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD