*** Alyson Sy Muli akong nagpunas ng luha sa aking pisngi pero wala iyong silbi dahil patuloy pa rin ang pagbagsak nito. Habang nakaluhod at nakatingin sa nakaukit niyang pangalan sa kaniyang puntod ay hindi ko mapigilang mapahikbi. Wala akong ibang nararamdaman ngayon kundi lungkot, sakit, at pagsisisi. It's been a year but the pain is still fresh, parang kahapon lang nangyari ang pagkawala niya, ang pang-iiwan niya sa akin, sa amin. Hindi ko pa rin ito magawang tanggapin. Ang hirap. Sobrang hirap tanggaping wala na siya. Ni hindi ko man lang siya nakasama nang matagal, ni hindi man lang ako nakabawi sa kaniya. Hanggang ngayon ay kinukuyog pa rin ako ng kahapon, ng nakaraan. Wala na siya pero pakiramdam ko ay narito pa rin siya sa tabi ko, pakiramdam ko buhay pa rin siya pero sinong n

