*** Muli akong nagising dahil sa malalakas na tawanan at ingay sa paligid ko. Wala akong ibang nararamdaman ngayon kundi sakit at panghihina. Hindi ko alam kung ilang oras na akong nakatayo rito sa upuan at nakatali ang aking mga kamay sa itaas. Sobrang nangangalay na ako at tila nanginginig na ang aking buong katawan. Masakit man ang mga mata ay pinilit ko pa ring magmulat upang tignan ang mga nagtatawanan. Si Darren at ang grupo niya. Kasalukuyang may ginagawa ang iba ngayon at pansin kong namumula ang mga mata nila. Tawa lang sila nang tawa na parang mga baliw. Sa tingin ko ay drugs ang nasa harapan nila ngayon. Anong nangyari sa mga taong 'to? "Oh, you're awake! She's awake, guys! She's awake!" Paulit-ulit na sigaw ni Darren habang tumatawa na parang baliw at demonyo. Katulad ng mga
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


