"Truth? What truth are you asking for, Elai? I've told you everything that you need to know." Tinalikuran ko siya at inabot ko ang robe na nasa sahig at saka mabilis na isinuot iyon. "I can feel you're hiding something from me Etienne," pagpupumilit ko. Humarap ako sa kanya. "At hanggang itinatago mo iyon sa akin, iyon ang nagsisilbing pader sa pagitan nating dalawa." Huminga siya nang malalim at saka niya inilagay ang mga kamay niya sa bewang niya. "If I am hiding something from you, I have my reasons because I know those things will just hurt you, Elai. Can't you trust me anymore? Wala akong ibang ginawa mula noong ikasal tayo kundi ang mahalin, alagaan, at protektahan ka. Kulang pa ba ang lahat ng iyon, Nikolai?" panunumbat niya sa akin. Napayuko ako dahil tama naman siya. Dam

