The house in front of me was definitely huge and fitted for the future king of Llamas. Kinagat ko ang dila ko para hindi lumabas iyon sa bibig ko. I don't want to offend Etienne anymore than he already is. Noong isang araw ko pang napapansin na nagpipigil lang siya sa akin. I should be kind to him, I've told myself repeatedly. After all, marami siyang naging sakripisyo para sa akin at isinasakripisyo pa. Napakapit ako sa arm rest ng wheelchair na kinalulunan ko habang itinutulak iyon ni Etienne papasok sa malaking bahay. Naka-wheelchair pa ako dahil limitado pa lang ang kayang lakarin ng mga paa ko. Nakagagalaw naman na ako pero may mga limitasyon pa rin. Ang sabi naman ng doktor ko, mas mapapabilis ang pagbabalik ng motor skills ko kung hindi ako papalaya sa araw-araw na physical therap

