Sinubukan kong hindi mabasa sa mukha ko ang takot na nararamdaman ko habang naglalakad ako papunta sa sasakyan kung saan nila kami balak isakay ni Kai. Mabuti na lang at tulog ang anak ko dahil tiyak na magtatanong ito nang magtatanong kung bakit kami sasama sa mga lalaking hindi niya kilala. "Your highness," nagawa pang sabihin ng lalaking nagbukas ng pintuan para sa akin. Pagkatapos kong sumakay ay isa sa kanila ang tumabi sa akin samantalang ang iba sa mga nakapaligid sa akin kanina ay tumungo sa ilang sasakyan nasa unahan at likuran ng SUV na sinakyan ko. "Humihingi kami ng tawad, Prince Nikolai, kung ito ang tanging paraan para maisama ka namin." Napatingin ako sa lalaking nasa passenger seat. Sa lahat ng naroroon, siya ang nagbibigay ng aura nilang lider ng mga kalalakihan. "W

