Hindi ko masisisi kung sa bawat sulyap sa akin ng mga magulang nina Etienne at Eunice ay binabato nila ako ng naninising nga tingin. Alam ko na nagtitimpi lang sila na hindi magsalita laban sa akin alang-alang kay Eunice na kanina pa hindi natahimik sa tabi ko. "It's my fault, Viktor!" paulit-ulit niyang saad. Bilang boyfriend niya, responsibilidad kong pakalmahin siya dahil wala namang ibang gagawa niyon para sa kanya. Kahit gusto siguro ng mga magulang niyang lapitan siya at pakalmahin, hindi nila magawa-gawa iyon dahil sa presensiya ko sa tabi ni Eunice. "May kasalanan din ako, Eunice. Pinag-alala kita. But believe me. It wasn't my choice." Tumingin sa akin si Eunice. "Sino ba talaga iyong nga sinamahanong lalaki, Viktor? Nakita ko sa CCTV ng hotel na may mga sumundo sa'yo at ku

