Nang matahimik ang katabi, agad kong inilabas ang phone ko. May mga messages sa gc naming magkakaibigan pero nagdesisyon akong i-mute muna ang mga tawag at mensahe nila. May kailangan akong unahin. I searched for her friend request na sinabi niyang ipapadala niya kanina. Good thing at bigla ko iyong naalala sa mga oras na ito dahil kailangan ko siyang makausap. I immediately accepted it and sent her a message. "Where are you?" Pinanuod ko ang pagsasayaw ng mga tuldok sa baba ng message ko na nagsasabi sa aking gumagawa siya ng reply. That told me that she's been waiting for my message as well. "Home. Miss me already?" Nagdikit ang mga kilay ko. Neriah doesn't seem worried or scared. Mukhang hindi niya alam na nawawala si Nik. "Is Nik there?" diretso kong tanong sa kanya. Nagula

