Crusan's POV:
"Good afternoon, everyone! Welcome to Project Artus. Ito na ang pinakabagong sisimulang imbensyon ng ating henerasyon. I hope na magkaroon ang lahat ng maayos na pagsasama sa pagtatrabaho. Goodluck to all scientist and we may have our success. You can now proceed to your designated offices," bungad sa amin ni Chairman June.
"Nakakatuwa naman, ang warm ng welcome nila sa atin kahit mga baguhan tayo, Crusan. Naku, paniguradong malaki ang suswelduhin natin. Kahit iniwanan tayo ng mga asawa natin ay mabubuhay na natin ang mga anak natin nito hanggang elementarya! Kailangan nating galingan!" masayang sabi ni Gillian.
"Oo nga, kailangan nating galingan. Pumunta na tayo sa floor na nakasulat. Magkafloor lang pala tayong dalawa," sabi ko naman.
"Tara na, lilibutin pa natin ang building mamaya. Kailangan muna natin maging familiar," dagdag pa niya.
Mga scientist kaming lahat na bagong recruit ng gobyerno para sa Project Artus. May experience naman na kami ni Gillian dahil dati kaming nagtrabaho sa International Health Association (IHA). Mga scientist kaming Biology ang field of expertist.
Nakarating kami sa isang floor na purong puti ang lahat. Mga nakasuot kami ng violet na uniporme. May red bar code tattoo ako sa kamay dahil ipinanganak ako bago magtaong 3095. Hindi ako inabutan ng Artus Syndrome. Kailangan kong magkaroon ng barcode dahil pagkakaguluhan ako kapag wala.
Ang mga barcodes ay ang naghihiwalay sa mga tao. Ang may mga red barcode ay nabuhay bago ang Artus Syndrome na kumpleto ang katawan. Ang may mga black barcode naman ay may mga kapansanang nabuhay bago ang Artus Syndrome at ang mga may violet barcode ay nabuhay sa taong 3095 pataas na may Artus Syndrome.
Mula ng taong 3095, lahat ng ipinapanganak na sanggol ay may Artus Syndrome. Walang nakakaligtas kahit isa kaya sobrang naaalarma na ang buong mundo sa nakalipas na 20 taon. Ngayon na pinondohan ng napakalaki ng gobyerno sa pag-asang magtagumpay na ang Project Artus. Dalawang henerasyon na rin ang sumubok upang puksain ito. Una ang Project Dahlia, Project Fatima, at itong kasalukuyan ngayon ay Project Artus. Kapag hindi pa rin ito nagtagumpay ay hindi ko na alam. Kaya malaki ang tiwala at tingin sa amin ng mga taong magtatagumpay ito ngayon.
Sakto namang pagdating namin sa Biology section ay magkatabi kami ni Gillian ng mesa. Magkakahiwalay ang mga scientist depende sa field of expertist. Ang sa floor namin ay para sa mga may specialization sa Natural Science. Lahat ay pag-aaralan namin. Lahat ng posibilidad maging de-posibilidad upang malaman ang pinag-ugatan ng Artus Syndrome maging ang lunas dito kung mayroon man. Hindi ko nga alam kung mayroon pa dahil syndrome ito. Ang pangunahing pwede naming makuha ay prevention.
Nag-ayos na kami ni Gillian ng mesa. Matapos naming magset-up at maglagay ng gamit ay saktong tumunog ang intercomm.
"Calling the attention of all hired members of Project Artus, please proceed to the meeting hall. I repeat, calling the attention of all hired members of Project Artus, please proceed to the meeting hall thank you," anunsyo sa intercomm.
"Halika na, mukhang orientation na iyon patungkol sa Project Artus. Isang hakbang na lang tayo mula sa katotohanan at ID. Hindi ako makapaniwalang nakuha natin ang trabahong ito," masayang sabi ni Gillian.
"Ako rin, Gillian. Napakasaya ko dahil nakuha natin ang trabahong ito. Malaking oportunidad na, malaki pa ang sahod. Tiyak na mabubuhay na natin ang mga anak natin. Mabuti na nga lang at tinanggap tayo kahit limang buwan na tayo pareho," masaya kong sabi.
Diretso na kaming naglakad papunta sa meeting hall. Iba't ibang lahi ang nakakasalubong namin ni Gillian. May mga blue eyes, brown eyes, black eyes, green eyes, gray eyes, maging mga matang ubod ng ganda.
Nandito kami sa sentro ng Diorada, Xenoland, nasa Amidst na pinakamalaking kontinente ngayon. Tatlo na lamang ang natitirang kontinente ngayon na pinangalanang Amidst, Brosh, at Cloak. Noon kasing mga taong 2025 ay nagkaroon ng pandemyang kumain sa halos buong populasyon ng mundo. Doon naubos ang mga kalalakihan, mabuti na lang at naisalba itong muli.
Upang magkaintindihan ang bawat isa iba't iba man ang lahi, gumagamit kami ng earpiece na nakakapagtranslate ng mahigit isang daang lenggwahe. Hindi ko alam ngunit pili na lamang ang mga lenggwaheng nagagamit mula noong mga nakalipas na isang daang taon. Pinalad namang gamit pa rin ang Tagalog ngayon at masaya ako roon bilang isang Pinoy. Si Gillian naman, Gillian Stetter, ay isang Amerikana. Siya ang matalik kong kaibigan.