CHAPTER 2

850 Words
Crusan's POV: Sa may mataas na parte kami umupo rito sa meeting hall. Para siyang gymnasium na maraming upuan. Sa unahan ay na roon ang speaker na magsasalita. Si Dr. Brun Novachrano, isang scientist. Siya ang mangunguna sa Project Artus. Pumalakpak ang lahat at doon na nagsimula ang intruduksyon. Ipinakilala pa ang aming ibang boss at head mula rin dito sa Diorada. Sa Brosh kasi ako dati nanggaling na bansa. Magkatrabaho kami dati ni Gillian kaya kami nagkakilala. "Magandang umaga sa lahat ng bagong miyembro ng Project Artus! Binabati ko kayo ng congratulations sa inyong pagpasok. Sana ay matagumpay nating matapos ang Project Artus. Inaasahan kong kayong lahat ay masiglang magtatrabaho at iaalay ang lahat ng kaalaman upang magtagumpay ang proyektong ito," panimula ni Dr. Brun. Sunod namang umakyat ang assitant director ng Project Artus. Si Dra. Yen, isang chinese-american. Binabase pa rin ang lahi o race ng mga tao ayon sa pinakaunang country system na ginagamit. Nagsalita na siya patungkol sa Project Artus. Mataman naman akong nakinig dahil gusto kong malaman ang mga mahahalagang impormasyon ukol dito. Kailangang maganda ang maiambag ko dahil hindi ko sasayangin itong oportunidad. Gusto kong maligtas ang sangkatauhan mula sa Artus Syndrome, lalo na ang aking ipinagbubuntis na sanggol. "Alam kong excited na kayong malaman ang mga impormasyon tungkol sa Project Artus. Pahapyaw lamang ito at bibigyan namin kayo, bawat isa, ng mga dokumento patungkol sa proyektong ito upang mas mapalawak ang inyong kaalaman. Sa gayon din ay upang mas mapagbutihan natin ang Project Artus at mapagtagumpayan ito," panimula ni Dra. Yen. Pumalakpak naman kaming lahat. Napatingin naman ako kay Gillian na nakay Dra. Yen ang atensyon. Nakinig na akong muli. "Sa nakalipas na 20 taon, walang mintis kung magkaroon ng sakit na Artus Syndrome ang mga sanggol. Walang may alam, kahit sino o ano, kung saan nagmula ang sakit na ito. Wala ring may alam kung paano gamutin at pigilan ang Artus Syndrome. Tila ba naging normal na sa mga bagong panganak na sanggol ang kakulangan sa parte ng katawan. Tumataas na rin ang mga bilang ng sanggol na ipinapanganak na patay. Nagkakaroon na rin ng absence hindi lamang sa limbs maging sa internal organs katulad ng kaso ni Rita Ocloverch na ipinanganak na walang kamay, paa, maging bituka," pagpapaliwanag ni Dra. Yen kaya nakaramdam ako ng lungkot at napahimas sa aking tiyan. Hindi ko hahayaang maipanganak ko ang aking baby na may Artus Syndrome. Gagawin ko ang lahat upang maging ligtas ang aking baby sa syndrome na iyon. "Idagdag din natin sa kaalaman na base sa teorya at ang kinikilalang kaalaman ng lahat, isang uri ng mutation ang Artus Syndrome na walang may alam kung saan nagmula. Halos napag-aralan na ang lahat ng hayop ngunit hindi ito isang uri ng virus. Sa mga tao rin ay hindi makita ang pinagmulan. Tila ba isang malaking kwestyon sa katauhan ng mga tao ang sakit na ito. Mula noong nakaraang daang taon ay nagkaroon ng Namseong Virus na halos mawala na ang bilang ng tao sa buong mundo, ngayon naman ay ang lumalalang Artus Syndrome. Nais kong magkaroon ng sapat nakaalaman ang lahat dahil tagumpay ang kailangan naming makamit hindi lamang sa larangang medisina kung hindi pati na rin sa Physics at Chemistry maging sa iba pang sangay ng siyensiya. Ang Project Artus ay isang proyektong naglalayong gumawa ng mga kasangkapang makakadetect sa isang sanggol kung ano ang problema nito, paano aagapan ang Artus Syndrome, maging masugpo. Sapagkat alam nating lahat ang kinalalagyan ng mga sanggol. Sa ating teknolohiya ay hindi madetect ang Artus Syndrome. Mahirap paniwalaan ngunit iyon ang katotohanan," mahaba pang paliwanag ni Dra. Yen. Marami ang napasinghap sa isang video ng sanggol na mayroong water sac na nakakabit sa binti. Isa iyong clear na parang jelly. Hugis paa iyon na parang hindi nabuo. Nang iplay ang video ay tinusok ng isang doktor ang sac. Doon nawala ang tubig at lumabas na mukhang iyon ang binti ng sanggol na naudlot sa pagdevelop. Hindi ako makapaniwala kung paano nangyari iyon. "Ito ang isa sa kuha noong nakaraang taon kay Dao Feng Yun na isang lalaking sanggol. Lumabas siyang mayroong water sac sa binti. Hindi po ito edited sapagkat kuha sa akto ang lahat. Wala ring makasagot kung ano iyong nangyari ngunit nagpag-alaman na kaya hindi madetect kahit sa ultrasound ang Artus Syndrome at lumalabas na normal ang mga bata dahil sa water sac na sa loob pa lamang ng tiyan ng ina ay nagkaroon na ang mga sanggol. Ito ang mga limbs na nauudlot sa pagdevelop na nagiging isang water sac. Wala ring pag-aaral na nakapagpatunay kung bakit at ano talaga ang water sac na iyon. Noon lamang ito natuklasan dahil kay Feng Yun na ipinanganak na nabuo ang water sac pagkalabas niya. Idagdag pa, ang Artus Syndrome ay napag-alaman pang may pumipigil sa katawan ng sanggol na magdevelop sa tama nitong form. Parang isang sobrang napakalubhang karamdaman na walang gamot. Hindi man ito nakakamatay 0aglabas ng bata ngunit nagdudulot ng napakalaking diperensiya," malungkot pang paliwanag ni Dra. Yen. . Hindi ako makapaniwala, talagang malaking rebelasyon ito. Lubha na ngang lumalala ang Artus Syndrome.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD