Equinox's POV: (Flashback part 6 - 6) Agad akong nag-ayos ng gamit. Mabuti na lamang at may nabili akong backpack kaya ginamit ko ito upang lagyan ng damit. Kumuha rin ako ng mga mahahalagang bagay na pwedeng gamitin tulad ng flashlight, kutsilyo, at first aid kit. Naglagay din ako ng ilang pagkain na magagamit ko. Nagpalit ako ng itim na damit at maong pants. Nagsuot din ako ng sumbrelo at mask. Kailangan kong humanap ng tamang timing para tumakas. Mamaya akong ala una ng hating gabi aalis dito. Doon madalas nagpapalitan ang mga bantay. Nasubaybayan ko ang kanilang mga kilos dahil madalas akong magutom sa madaling araw o gabi at napapasilip sa bintana. Wala ring CCTV dito sa likod na bahagi dahil sira. Napansin ko naman iyon sa opisina kanina dahil nandoon ang monitor para sa mga CC

