Equinox's POV: (Flashback part 5 - 6) Pangalawang araw na namin dito sa tour ni Arthur. Lahat ay napuntahan na namin. Nandito kami sa plaza at naka-upo sa isa sa mga table. Kakain kami ng hapunan dahil tapos na ang tour sa wakas. Marami kaming napuntahan. Talaga ring gandang-ganda ang aking mga mata sa mga nakita. Pinagtitinginan din kami dahil kami ang The Ones ngunit wala akong pakialam. Si Condor pa ay kaway nang kaway sa mga kababaihan. Talagang maloko ang isang ito sa kababaihan. Gusto niya rin iyong malalaki ang dibdib base sa kadalasang kinikindatan niya at itinuturo sa akin. Wala ng pag-asa si Condor na magbago. Wala rin naman akong pakialam kung ganiyan siya basta at huwag niya akong gagambalain. Maaga kaming gumising upang maagang makaalis. Nagpasalamat si Arthur sa mag-asawa

