Equinox's POV: (Flashback part 4 - 6) Nandito na kami sa palayan. Napakalawak, napakaganda ng tanawin. Maganda rin ang simoy ng hangin kahit na tirik ang araw. Ngunit kahit na hapon na, talagang mainit pa rin sa pakiramdam ang araw. Napakagandang pagmasdan ng buong palayan dahil sa mga kulay berdeng nakatubong d**o. Akala mo ay d**o lamang ngunit mga palay ito na magiging bigas. Kaya mas nagiging presko ang paligid ay dahil sa mga halamang ito. Nandito kami sa gitna habang naglalakad at binabaybay ang kahabaan nitong lakaran dito sa palayan. Napapalingon ako sa paligid. Tahimik at mapayapa rito. Kung tatakas ako, pipiliin kong dito magtago. Tahimik, payapa, at maganda ang paligid para makapag isip-isip. Nakakawala rin ng stress ang magandang tanawin. Maganda itong bakasyunan kaysa sa m

