Amelia's POV: "Hindi ko napanood iyan," gulat kong sabi. May kasunod pang video. At ang video, kuha ng mga artifacts na hinukay matagal na siglo na! Sino ang may kagagawan nito? Gulat na gulat din ako tulad nila. Mukhang may interval na mahaba talaga kaya hindi ko napansin may kasunod pa iyong video noong pinanood ko ito sa isla. "Kilala niyo ba ang mga taong iyan?" tanong ni Fire. "Hindi, kita mong halatang matagal na ito. Baka nga nangyari na ito bago pa ang Artus Syndrome. High quality na ang lahat ng camera ngayon hindi katulad nito na mukhang 8 mega pixel lang ang gamit. Suspetsa ko ring sa Rome, Italy ito. Puro mga italian ang kamukha nila," sabi naman ni Reyna. Napatango ako, may punto si Reyna. Nagpatuloy naman kami sa panonood ng video hanggang sa natapos ito. Ang nasa video

