Equinox's POV: Inis kong ibinato si Amelia sa kama kaya tumalbog ito. Tatawa-tawa pa rin siya habang nakaturo sa akin. Humahagikhik pa na parang bata. Hinalikan niya ako sa labi, ang babaeng ito talaga! Talagang hindi ko dapat siya pinayagan na mag-inom. Hindi ko na siya ito papayagan pa ulit na mag-inom. Kung alam ko lamang na ganito ang mangyayari, baka itinali ko na siya at ibinitin patiwarik. "Bakit mo ako hinalikan, Amelia? Hindi mo dapat ginawa iyon. Paano kung ibang tao ang kaharap mo? Bigla mo na lang din na hahalikan at tatawa-tawa ka lang? Baka kung ano ang gawin nila sa iyo!" nauubusan ng pasensya kong sabi. "Hik, hindi naman ako ganoon *hik*! Ikaw *hik* lang ang *hik* gusto kong halikan! Crush *hik* kita matagal na! Alam kong hindi *hik* mo ako gusto pero I lapyu so mash, *

