Amelia's POV: Kinabukasan ay mga tanghali na kaming gumising lahat. Ni hindi ako makapaniwala sa ganda nitong laboratoryo ni Reyna. Laboratoryo ba talaga ito o resort? Malaki pa ang infinity pool kaysa sa lab niya! Nandito ako sa sa kwarto habang inaayos ang mga bala ng CD na ibinigay sa akin ni mama. Hay, namimiss ko na siya. Gusto ko muli sanang dumalaw sa kaniyang puntod doon sa isla. Ang kaso, napakalayo. At hindi pa tapos ang misyon namin. Nangako ako sa kaniyang babalik ako at hindi ko hahayaang hindi iyon matupad. Mas malaki ang kumpyansa kong magtatagumpay kami dahil mas marami kami. Mas maraming utak ang mag-iisip at magtutulong-tulong. Pati ang mga sulat na ibinigay ni mama ay inilabas ko. Inilagay ko ang mga ito sa individual plastic na pwede iseal upang hindi mabasa at maita

