Amelia's POV: Pumila kami at humanay ng sunod-sunod para kung sino ang mauuna pupunta sa kabila. Si Equinox ang unang susubok dahil sa malakas ito at kayang pigilan ang mga sibat sa mabilis na pagbulusok, kaya niya rin patigasin ang muscles niya at idagdag pang malakas ito. Full package na, pagiging mabait na lang ang kulang sa kaniya. "Kailangan mo ba ng tulong namin?" tanong ni Fire. "Oo, hawakan mo ang bag ko tapos manood ka kung paano magtrabaho ang mga propesyunal. Hindi ito pwede sa mga lampa," nakangising sagot sa kaniya ni Equinox. "Gago talaga 'to. Itulak kita r'yan eh. Napakahangin mo na naman," inis namang sabi ni Fire. "Hay nako." "Ewan ko ba sa inyong dalawa." Nagkatinginan kami ni Reyna nang sabay kaming magsalita. Napatawa rin kami, buti kami ay magkasundo hindi tulad

