CHAPTER 49

2112 Words

Amelia's POV: Kanina pa kami nagkukwentuhan ni Reyna. Napagpasyahan muna kasi namin na maupo at kumain. May sampung minuto na rin siguro kaming nagpapahinga. Si Fire ang nagdesisyon, mabuti na lamang at sumang-ayon si Equinox. Akala ko nga ay magtatalo na naman ang dalawa. "Edi pagkatapos kang kantahan ni Fire ay lumuhod siya sa harap mo at inalok kang maging kasintahan niya? Ang sweet naman! Ganoon ang napapanood ko sa mga pelikula noon, uso pa rin ito hanggang ngayon at nakakatuwa. Sana balang araw ay maranasan ko rin iyon. Siguradong kikiligin ako ng sobra sa tuwa," pagkukwento ko kay Reyna na nasa kabilang bahagi nitong pinto. "Mararanasan mo rin iyan sa tamang tao at tamang panahon. Medyo bagets ka pa naman, paniguradong pagkatapos ng misyon natin ay mas marami ka pang makikilala.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD