Amelia's POV: "Hindi ba at siyentipiko ang iyong ina? Magkwento ka naman. Gusto kong malaman ang tungkol sa inyo. Ang tita ko kasi ay dating nagtatrabaho din sa Project Artus ngunit namatay siya sa pagsabog na nangyari noon. Kinuwento lang din sa akin ng ina kong namayapa na," pagkukwento ni Reyna. "Kasabayan nga niya si mama, noong araw na sumabog noon ang lumang Project Artus site sa Ausburn, Xenoland ay iyon din ang araw na ipinanganak ako. Nagmula pa sa Brosh si mama dahil isa siyang asian at lamang iyon sa dugo niya, isa akong half-filipino. Pagkatapos dati rin siyang nagtatrabaho sa IHA at lumipat sa Project Artus kasama si Tita Gillian na ina naman ni Fire. Magbestfriend ang mama ko at si Tita Gillian. Lumipat sila sa Project Artus, Project Artus movement pa ito kung tawagin noon,

