CHAPTER 44

2239 Words

Amelia's POV: "Equinox, ibaba mo na sabi ako eh!" sigaw ko. "Sabi mo eh," sabi naman ni Equinox at bigla akong ibinalibag sa kama ng walang ingat. Muntik na akong humampas sa pader dahil sa pagbalibag niya sa akin. Magkaibigan ba talaga kami? Para lang akong sako kung ihagis niya! Binuhat pa ako gayong kaya ko namang maglakad! "Doon ka matulog sa sofa, ako rito sa kama. Hindi nagtatabi ang babae at lalaking magkaibigan sa kama!" sabi ko kay Equinox. "Pamahiin mo, palibhasa puro lumang pelikula at nobela ang pinapanood mo. Ano na ang petsa ngayon, hindi na uso iyan! Kung ayaw mo naman sa kama eh walang problema sa akin. Basta rito ako sa kama. Doon ka sa iba humiga. Papasakitin mo lamang ang likod ko. Baka hindi pa ako makatulog ng maayos," sabi ni Equinox at bumagsak sa tabi ko.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD