Amelia's POV: Mura nang mura si Fire matapos naming tumirik sa gitna ng gubat. Inis na inis ito at muntik pa silang magsuntukan ni Equinox kanina. Mga sira ang ulo ng mga ito, bakit nga ba ako napunta sa sitwasyong ito at kasama sila. Naulan pa man din at basang-basa kaming tatlo kaya uminit din ang ulo ni Equinox. Ewan ko ba sa mga lalaking ito, ang tatanda na kung magtalo ay parang mga bata. Akala ko ay iyong mga teenager na nagbabatuhan ng linya. Nakasilong kami rito sa ilalim ng malaking bato. Hinihintay namin ang pagtila ng ulan bago maglakad. May dalawang oras na lakarin pa kasi ang kailangan naming gugulin bago makarating sa bungad ng Anford, itong baryo sa labas ng Treshold. Masama pa rin ang sulyapang nangyayari sa pagitan ni Fire at Equinox. Hindi pa talaga sila titigil kani

