1
Seven years later
Ang buong akala ko ay hindi na ako makaliligtas pa sa trahedyang nangyaring iyon sa akin. Marahil milagro ang nangyari sa mga makakaalam ng aking kaligtasan dahil sino nga ba ang makakaligtas pa sa ganoong sitwasyon? Tanging ako lang yata.
"Ikaw na ang bagong may-ari ng La Casia’s Restaurant, Zoey, hindi mo na kailangan pang mag-apply sa kompanya ni Zach. Matagal natin itong plinano, 'wag sanang mapunta sa wala ang lahat ng ito."
"Nais kong makuha ang buong atensyon ni Zachary, kaya naman gusto kong magtrabaho sa kaniyang tabi. Hindi ko maisasagawa ang ating plano kung hindi ako lalapit sa kalaban." paliwanag ko sa kaniya.
"Hindi mo na kailangan pang lumapit sa kanila dahil sila mismo ang lalapit sa atin," aniya.
"Anong ibig mong sabihin?"
"Sa La Casia palagi ang lunch meeting ng kompanya, doon din ginaganap ang pagsasalo-salo tuwing katapusan. Nakasanayan iyon ng kompanya na naging tradisyon na. Kaya wala kang dapat iproblema."
"Still, I am not part of the company, I can't talk with them just like that."
"Yes you can, I am one of the shareholders, I got the big shares of the company, at bilang kanang kamay ko at ikaw na ang may-ari ng Restaurant, nais kong nandoon ka sa aking tabi at wala silang magagawa doon, kahit ang owner ng company na si Zachary,"
"You are prepared."
"Well, I guess I am, It's time for your biggest comeback, cheers to that!"
"Cheers,"
Hindi ko agad ininom ang aking wine, pinagmasdan ko ang aking repleksyon sa wine glass. I was wearing a mask, covering my left cheek and half of my forehead, hiding the scars that they gave me. Ito lamang ang iniwan kong marka upang makilala nila si Zoey, na kanilang sinunog pitong taon na ang nakalilipas.
Sobrang hirap ng pinagdaanan ko sa ibang bansa upang gumaling lamang sa mga natamo kong sugat at paso mula sa kanilang ginawang pagsunog sa akin ng buhay. Anim na taon ang aking pinagdaanang hirap upang labanan ang sakit at kirot sa paghilom ng kanilang kahayupang ginawa sa kawawang tulad ko noon.
Inabot ng maraming taon ang aking surgery upang maalis ang mga sugat sa aking katawan. Though may iilang naiwang bakas pero hindi na ganoon karami at kahalata. Sa aking mukha naman ay hindi ko pinaayos ang sa may bandang kaliwang noo at pisngi upang iyon ang magsilbing ala-ala ng aking madilim na nakaraan at magpapaalala sa kanilang kahayupang ginawa sa akin. Iba na ang hitsura ko ngayon, pinaretoke ako ng iba ang mukha upang hindi na rin tuluyang makilala pa ni Selena at ni Zach. Wala rin akong ibang choice kundi sumang-ayon dahil nasunog ang buong mukha ko at wala na talagang pag-asang maibalik ang aking mukha. Nagpasadya lamang kami ng Mask upang matakpan ang sunog sa mukha ko.
Nagsusuot na lang din ako ng wig, straight iyon at hanggang balikat ko na lamang. Naubos ang aking buhok dahil sa sunog, kaya naman kinailangan ko nang mag wig upang matakpan iyon. Hair treatment isn't even a part of the suggestion when I was doing a surgery, sadyang wala na talagang pag-asa na tumubo iyon at magkabuhok pa ako ng tunay.
"I promise to not to disappoint you, thank you for helping me. Thank you for giving me another life,"
"Hindi mo kailangan magpasalamat, ang kabiguan ni Zach sa buhay ang siyang nais ko. Pababagsakin natin siya, makukuha mo ang kapatid mo at makakapaghiganti ka kay Selena. All we have to do now is to play, now the question here is are you ready to play?"
"I was ready since the day I've survived to their evilness." napangisi siya sa aking sinabi.
Isang taon palang noon ang nakalilipas pero nais ko nang magbalik sa Pilipinas upang bawiin ang aking kapatid kay Zachary, pero pilit niya akong pinigilan. Hindi raw iyon ang tamang panahon at hindi naman pababayaan ni Zach ang aking kapatid kaya naman hinayaan ko na lang.
At lumipas ang maraming taon and I am fully recovered now. And now is the time for us to have revenge. Maraming taon man ang lumipas ay kahit kailan hindi ako nakalimot dahil sa bawat taon na iyon ay sakit ang dinulot sa akin at sila ang nagpapaalala sa bawat sakit na nakukuha ko.
Magbabayad sila sa ginawa nila sa aking magulang at makukuha ko ang aking kapatid. Gagawin ko ang lahat upang mabawi lamang siya sa kamay ni Zach. Hindi ako papayag na mapunta siya sa taong sumira ng buhay ko. Lahat sila ay magbabayad lalo na si Selena, hindi niya lang sinira ang aking buhay. Sinubukan niya pang tapakan ang aking pagkatao't p********e.
"Huwag mong kalimutan ang rules sa laro natin."
"Yes, I will never forget those rules, Leventon."
"Hindi ka iiyak. Ikaw ay lalaban. At wala kang dapat na kahinaan. Magtatagumpay tayo kung susundin mo ang lahat ng iyan."
"Makakaasa ka na ang lahat ng iyan ay aking gagawin, Leventon."
Si Leventon ang nagligtas sa akin sa kamay ng Powerpuff girls. Sinigurado niya rin noong gabing iyon na hindi magsasalita ang tatlo kay Selena at ang sasabihin nila ay nagtagumpay sila sa pagpatay sa akin. Noong gabing pumunta si Selena sa lumang bahay ay nasundan pala siya ni Leventon, hindi niya akalain na ganoon ang gagawin sa akin ni Selena kaya naman noong makaalis si Selena ay lumabas siya sa kaniyang pinagtataguan at agad akong iniligtas mula sa apoy.
Si Leventon din ang tumulong sa akin mula sa surgery hanggang sa ngayon. Siya ang umampon sa akin nagpabihis at nagpaayos ng aking sarili. He is helping me too much. Noong una ay duda ako sa kaniya pero nagpaliwanag siya sa akin at nang malaman kong parehas kami ng intensyon ay agad akong gumaan ang loob sa kaniya.
Ang tungkol sa s*x video naming dalawa ay walang katotohanan. Plinano lamang iyon ni Selena at dahil malaki ang galit ni Zach kay Leventon, naisipan ni Selena na gamitin siya sa mga plano niya sa akin para mas lalo akong kamuhian ni Zach.
Sumang-ayon si Leventon dahil ang nais niya ay mapabagsak si Zach, sa pamamagitan nga na iyon ay mawawala ang pokus at konsentrasyon ni Zachary sa trabaho.
"Handa ka na bang makita si Zach at Selena?" tanong niya sa akin.
"Matagal ko na itong pinaghandaan, Leventon. Ngayon na ang tamang oras upang maningil sa kanila."
Ito na ang simula. Ngayong nakabalik na ako sa Pilipinas. Sisimulan ko nang maningil sa mga taong pumatay sa magulang ko. Sa taong sumira ng buhay ko. Hindi ko sasayangin ang pagkakataong ibinigay sa akin ng Diyos. Sinisigurado kong magdadanak ang dugo sa pagitan naming lahat, walang humpay na parusa ang iaalay ko sa mga walang awang katulad nila. Ang kamatayan lamang ang makakapigil sa aking paghihiganti.