“It was not my fault, Mom.” Iyon agad ang buwelta sa akin ni Zalgen pagkasakay namin ng sasakyan. Alam na alam niyang sesermunan ko siya sa oras na makapasok kaming dalawa rito sa loob ng sasakyan. Imbes na humingi ng dispensa ay mas pinili pa niyang ipagtanggol ang kaniyang sarili. Nakatitig lang ako sa kaniya. Kuhang kuha niya ang lahat ng feature sa ama, parang pinagbiyak na bunga lang si Zachary at Zalgen, lalo pa ngayong nagbibinata ang anak ko, mas nagmumukhang Zachary. Hindi maipagkakailang mag ama nga itong dalawa. “Ikaw ang sumuntok sa kaniya, and now you’re telling me na it wasn’t your fault? Then sino ang may kasalanan? Iyang kamay mo?” Panenermon ko sa kaniya. Umismid lamang siya habang pinapakinggan ang mga salita ko sa kaniya. “Iyang pagiging mainitin ng ulo mo? ‘yang

