Walang ibang bukambibig ang mga tao sa Restaurant kun'di ang Auction Party. Kahit pala ang mga empleyado ng La Casia ay kailangang umattend sa nasabing pagtitipon. Kaya naman maagang pinasara ang Restaurant upang makapaghanda pa sa gaganaping party. Half day lang ang bukas namin at bago sumapit ang ala una ng hapon ay kailangang nakapag-out na ang lahat dahil alas sais ng gabi gaganapin ang nasabing Auction Party. mayroon lamang limang oras upang makapag-ayos ng sarili, kasama na doon sa oras ang magiging biyahe papunta sa Hotel na pagdarausan ng Auction Party. "Anak, kung alas sais ang sinasabi mong party, hindi ka na makakaabot kung tititigan mo lang iyang mga pinagpipilian mong susuotin. Magaganda naman ang dress kaya bakit hindi ka makapili?" "Ma, hindi pwede itong mga dress na ito.

