Inayos ko muna ang sarili ko bago lumabas ng kwarto namin ni Zachary. Pagdating ko sa kusina ay mayroon akong nakitang dalawang babae, sila ang kasama nina Zalgen at Zachary doon. Magluluto pa lang sana ako ng kakainin namin pero nakita ko sa lamesa na meron ng nakahanda roon. Nakita ko pang kinusot ni Zalgen ang kaniyang mga mata, halatang bagong gising lang siya at dito siya agad dumiretso. Si Zachary naman ay nakabihis na ng tuxedo at handa ng pumasok sa office niya. “Hi, Zoey, nice to meet you!” lumapit sa akin ang isang ginang at niyakap ako ng mahigpit. “I heard a lot about you, Zoey, and you’re beautiful. Hindi na ako magtataka kung bakit ka nagustuhan ng anak ko.” Nako, maganda raw ako? E mukha nga akong abo dahil sa sunog kong mukha at katawan. Maniniwala pa sana ako kun

