"Kumain muna kayo ni Jessa. Hapon na pero wala ka pa ring breakfast at lunch. Kailangan niyo pa ring kumain kahit pa wala kayong gana." ang sinabi sa amin ni Zachary. Alam niyang wala kaming gana pero ang utos pa rin niya ay kumain kami. Kaya naman kahit hindi namin gusto ay dinala niya kami sa isang kwartong magpapagaan ng aming loob. Para makakain kami ng ayos. Pero sa huli ay sa labas naming napiling kumain. Para naman may makasama kaming ilang customer at mabuhayan ang aming mga dugo. "What kind of room are they talking about? Yung Sinner's Room," pasimple kong tinanong kay Jessa. Kahit kasi si Zachary ay hindi ako sinagot noong tinanong ko kung ano ang Sinner's Room. Tumingin muna si Jessa kay Zachary hindi malayo sa puwesto namin. He was talking to some investors. Back to business

