bc

Love Me Again

book_age18+
1
FOLLOW
1K
READ
family
HE
arranged marriage
neighbor
blue collar
sweet
like
intro-logo
Blurb

Let me go! M-marco!"Nagpupumiglas nyang sambit ng daganan sya nito at hinawakan pa sa magkabilang kamay. Galit ang nakikita nya sa mga mata ng asawa,mata na dati'y akala niya hindi nya kailanman nakitaan ng galit.Iba ang Marco ngayon sa Marco na kilala niya noon. "Hindi ko hahayaan na mapunta ka lang sa iba Lavinnia! You're mine at hindi ko ugaling basta-basta nalang pinamimigay ang pag-aari ko!"matalim ang bawat katagang sambit nito.

chap-preview
Free preview
chapter 1
Ilang minuto pa akong nakatayo sa labas ng bahay bago naglakas loob na pindutin ang dorbel."It's been three years."bumuntong hininga ako. Ilang sandali pa at may bumukas na ng gate. "Sino po sila? "napangiti ako ng makitang si Manang Glo iyon. "Manang Glo, si Lavinnia po ito.. kumusta na po kayo?" "Lavinnia?"sinipat niya ako. "Opo. " "Ikaw ba talaga ito Ma'am?"hindi makapaniwalang tanong niya.Lumapit pa ito sa akin para matitigan akong mabuti. "Opo, ako po ito. "maluwag ang ngiting sabi ko. "Naku!bakit ba kase ang tagal mong hindi umuuwi?hali po kayo,pumasok po kayo." niluwagan niya ang awang ng gate. "Salamat po, "sabi ko saka hinila ang dala kong maleta. "Ay, ako na d'yan Ma'am. "inagaw niya sa akin ang hila kong maleta matapos niyang isara ang gate. "Namis ka ng mga tao dito Ma'am,lalo na ang Dada mo.palaging nagbabakasakali na baka isang araw ay umuwi ka na. " Tipid akong ngumiti sa sinabi niya,namis ko rin naman sila Dada at isa yun sa mga dahilan kung bakit ako tumulak pauwi ng Pilipinas. "Si Mama po,kumusta siya? "maingat ang bawat salitang sinabi ko sa kanya. "Busy po yun lagi sa negosyong itinayo niya Ma'am, kakabukas lang kase ng restaurant na itinayo niya." Mapait akong napangiti dahil yun sana ang pangarap nila ni Tita Janice noon kong hindi lang sana nagkaroon ng problema sa pagitan ng aming pamilya.Malalim akong napabuntong hininga ng mapansin na nasa loob na pala ako ng aming bahay. Nilinga ko ang paningin sa paligid, maraming nagbago sa mga arrangement ng mga display dito sa sala,may hindi pamilyar na mga paintings din akong nakikita na nakasabit sa mga walls. "Nasaan po sila? " "Nasa Den sila Ma'am.." Bigla akong nakaramdam ng kaba,handa na ba talaga akong harapin sila? Tatlong taon akong umalis ng bansa.S Amerika ako nag-trabaho at doon ko rin muling binuo ang sarili ko. "Sige po Manang kayo na po ang bahala sa dala ko ah, puntahan ko lang po sila." "Sige Ma'am ako na ang magdadala nito sa kwarto mo,wag kang mag-alala at malinis iyon, araw-araw ba namang pinapalinisan ng Dada mo e." "Salamat po. " sabi ko at tinungo sa ang Den. Habang naglalakad ay sinipat ko muna ang aking sarili,I was wearing a spaghetti strap na pinarisan ko ng maong pants,ang dating itim kong buhok ngayon ay kinulayan ko na ng blonde. Kung dati wala akong hilig sa fashion, ngayon ay hindi na ako sanay na umalis ng walang kolorete,Iba ang buhay ko sa US malayo sa buhay ko dito sa Pilipinas.Kong dito ay may inuutusan ako, sa US ay mag-isa kong ginagawa ang mga gawaing bahay na hindi ko nagagawa dito,malaki ang naitulong ng pagiging Independent ko lalo na para sa sarili ko. Nang makarating ko ang Den ay doon na dumoble ang kaba'ng naramdaman ko, hindi ko alam kong ano ang magiging reaksyon nila pag nakita nila ako,ilang taon akong hindi nagpakita sa kanila,kahit tawag ay hindi ko ginawa.Huminga ako ng malalim at nagpasyang pihitin ang pinto,nakabukas iyon kaya tanaw ko kaagad ang mga taong nasa loob,unang bumungad sa aking paningin ang Dada at Mama na magkatabi sa couch nakahinga si Dada sa lap ni Mama habang nakatuon ang mga mata sa palabas na pinapanood nila,hinagilap ng paningin ko ang kapatid at nakita ko naman ito sa kabilang couch na nakaupo habang ang dalawang kamay ay may hawak na malaking mangkok na puno pa ng popcorn. Napapailing na napapanguti ako sa nakikita. Kahit kailan talaga hindi parin nagbabago ang hilig niyang pumapak ng popcorn,biglang nanariwa sa alaala ko na palagi namin itong ginagawang mag-anak noon,hindi ko mapigilang maluha habang pinagmamasdan sila hanggang sa hindi na ako makuntento na titigan lang silang nag i-injoy sa pinapanood kaya inihakbang ko ang aking mga paa papasok sa loob, gusto ko silang mayakap,gusto kong sabihin sa kanila na sobra ko silang na mis. "Who the hell are you? " Gulat na sambit ng kapatid ko. I miss him. Ngumiti ako rito at pinalis ang luha sa aking mga mata. "And you're smiling,the hell!sino ang nagpapasok sayo dito, sino ka?!Da,Ma,i can handle this.. " seryoso at magkadikit ang kilay nitong sabi,nilapag nito ang mangkok na hawak niya at lumapit sa akin. Nakapameywang itong tumitig sa akin,hindi pa ito nakuntento at umikot pa sa likuran,pagkatapos ay muli na naman itong humarap para suriin ako mula paa hanggang ulo. Lihim akong napangiti dahil pansin kong wala talaga siyang ideya kong sino ako. "N-ninin?a-anak is that you?" napatingin ako sa deriksyon nila Dada ng tawagin niya ako sa aking palayaw, I miss him calling me in that way si Mama rin sana pero hindi iyon nangyari. "Dada," "M-mama. " sabi ko at lumapit sa kanila, akma ko na silang yayakapin ng magsalita ang kapatid kong si Paolo "Wait...wait," Pigil niya sa akin sabay hila sa kamay ko palayo kina Dada at nagsalita. "Da,bakit niyo siya tinatawag na Ninin,e ang layo niya sa Ate,si Ate mahinhin yun at hindi nagsusuot ng ganyang damit." "Pao,ang Ate 'to."nakangiti kong sabi rito. Kita ko na ilang beses siyang napakurap at muli ay tinitigan ako. Kita ko ang pagbilog ng kanyang mga mata sa dahil sa gulat. "A-ate Ninin? I-ikaw na yan?"tila di makapaniwalang tanong niya. Tumango ako rito. "Ninin my baby.." Si Dada na tumayo at lumapit sa akin samantalang ang Mama ay blanko lang na nakatingin sa akin.Hindi na ako magtataka sa pinapakita niya alam ko na hindi parin niya ako mapatawad sa lahat. Ano pa ba ang aasahan ko, ako ang sumira sa pagkakaibigan nila ni Tita Janice,pinahiya ko ang pamilya namin sa mga tao,pinahiya at binigo ko siya. "Dada..namis po kita, kayong tatlo namis ko po.." sabi ko at sinalubong ito ng mahigpit na yakap. "My baby..you're back. "si Dada iyon na mahigpit akong niyakap at hinalikan sa noo. "Ate.." naramdaman ko naman na yumakap na rin mula sa aking likod si Pao na umiiyak na rin. "Akala ko hindi ka na babalik pa dito?Hindi kna nahiya!Isa kang malaking hahihiyan sa pamilya! Bigla ay sambit ni Mama. Humiwalay si Pao at Dada sa akin kaya sinamantala ko iyong pagkakataon para magpahid ng masaganang luha sa aking mata. "Alberta, wag kang magsalita ng ganyan sa anak mo,tatlong taon na ang nakalipas Alberta for god sake! ang mahalaga bumalik na si Lavinnia, kalimutan na natin ang nakalipas at magsimula ulit,hindi siya ang dapat mong sisihin sa nangyari." Depensa sa kanya ng Ama, hinawakan nito ang kamay niya tanda na hindi siya nito pababayaan, wala sa loob siyang napakagat labi para pigilin ang muling nagbabadyang mga luha,nasasaktan siya sa sinabi ng Ina. "Ma,i'm sorry po." "Pinahiya mo ang pamilya natin Lavinnia, sinira mo ang pagkakaibigan namin ni Janice. Kung hindi dahil sa kagagahan at kakitidan n'yang utak mo hindi sana kami nagkasamaan ng loob ng kaibigan ko!" Puno ng sakit at pait nitong sabi. Wala akong nagawa kundi ang yumuko na lamang.Hanggang ngayon mas pinapahalagahan niya parin ng pagkakaibigan nila ni Tita Janice, samantalang ako itong anak niya,ngunit hindi niya man lang magawang pakinggan ang paliwanag. Wala na akong magagawa pa kundi ang tanggapin na hanggang ngayon galit parin siya sa ginawa ko. "Ma,kararating lang ni Ate Ninin wag namang ganyan ang isasalubong niyo sa kanya,anak niyo siya Ma,kung ano man ang nangyari noon sana naman mapatawad mo na ang Ate,alam ko na wala siyang kasalanan ang lalaking yun ang dapat niyong sisihin." sabi naman ng kapatid na hinahagod ang likod niya para iparamdam sa kanya na naroon lang ito at ang Ama. "Ma--" Ngunit hindi na niya ako hinayaang makatapos pa sa sasabihin. "Ayaw kitang makita sa pamamahay na ito!"may diin niyang sabi bago lumabas ng Den. "Pagpasensyahan mo na ang Mama mo anak,nabigla lang yun pero alam mo ba na palagi niyang tiningnan ang mga larawan mo? namimis ka rin niya anak. Hayaan lang muna natin siyang makapag-isip" "Naiintindihan ko po." "Teka, kumain ka na ba? Tara sa kusina at ipaghanda ka namin ng hapunan mo,"sabi pa nito."Pao,sabihan mo nga ang Yaya Daria mo na ipaghanda ang Ate ng makakain. " Utos ng Ama sa kapatid niya, agad namang tumalima ang kapatid at lumabas na rin ng Den. "Da busog pa naman po ako.." Bago kase umuwi ay kumain na ako sa Airport dahil nakaramdam ako ng gutom. "Hindi pwede anak, ang payat muna na, dati ang taba mo. Hindi ka ba kumakain?" Niyakap ko ito dahil sa sinabi niya kahit kailan napaka maalalahanin talaga ni Dada. "Da,hindi po ako nagugutuman. " "Kahit na kailangan mo parin kumain."sabi pa nito,kahit mag debatehan pa sila ng Ama ay wala rin siyang magagawa dahil ipipilit parin nito ang gusto lalo na pagdating sa pagkain, alagang-alaga siya nito noong bata pa siya, kaya nga naging chubby siya hanggang sa nakasal siya sa maling lalaki. "Dito ka na ba ulit sa atin? "tanong ng Ama. "Titingnan ko po Da..may trabaho pa kase akong naiwan sa Amerika,nag-paalam lang po ako kay Ninang. " Ang tinutukoy ko ay ang kaibigan niyang si Ninang Maine. May ari ito ng isang Companya sa US saan ako namamasukan. "Ganun ba,kong yan ang gusto mo, hindi kita mapipigilan. " "Salamat po Da, kase kahit binigyan kayo ng kahihiyan hindi parin po kayo nagbabago,kayo parin po ang mapagmahal,maunawain at sweet na Dada sa lahat.."puri ko at hinalikan siya sa pisngi. "Ate Nin'.. Nakahain na pala si Yaya ng pagkain pinaalam daw ni Manang Glo na narito ka na,halika na Ate,habang mainit pa." "Sige at susunod na kami ng Ate. "ang Dada na tila may nais pang sabihin. Si Paolo naman ay hindi pa muna umalis sa pinto at parang ramdam din na may nais pang sabihin si Dada. "Ayaw mo ba siyang kumustahin? Kong ano ang ginagawa niya sa buhay niya? "lihim akong napasinghap sa sinabing iyon ni Dada hindi ko inaasahan na iyon ay babanggitin niya. "Wala po akong panahon para pag-aksayahan pa siya Da,he hurt and broke me. "kaswal kong sabi. I felt Dada's hand tapping my shoulder,tumingala ako dito at pilit na ngumiti,kung may lalaki man na magmamahal sa akin ng tapat at totoo siya iyon,si Dada lang dahil alam ko na hinding-hindi niya ako sasaktan tulad ng ginawa sa akin nang aking asawa. Yes, i'm married three year's ago.Natupad ang pangarap kong kasal sa lalaking dati ay minahal ko, pero sa isnag iglap lang pinagtaksilan ako ng aking asawa.He almost having s*x with someone sa mismong venue ng aming kasal and the worst is, the woman he's with is his Ex. Dahil sa tinding sama ng loob ay umalis ako,malayo sa kanya at sa pamilya ko.Hanggang sa inabot ako ng tatlong taon sa US para lang gamutin ang sugat na tinarak niya sa puso ko. "Naku! kong alam mo lang Ate kong ano ang pinaggagawa ng magaling mong asawa, kong alam mo lang talaga. "her brother said. "I don't care about him anymore Pao,he's nothing to me, i came home to file him an annulment. "matapang kong sinabi. Kita ko ang gulat na rumihestro sa mga mata nilang dalawa,alam ko na nila iyon inaasahan, ano pa ang silbi ng isang papel na nagdudugtong sa aming dalawa kong wala namang pagmamahal na namamagitan pa? In three years ay nagawa kong kalimutan siya at mas makakalimutan pa kong wala ng anumang bagay na nagdudugtong pa sa aming dalawa. "Sigurado ka ba sa sinasabi mo?"naninimbang na tanong ng Ama. Napalunok siya bago sumagot. "Yes Da." "It's not that easy anak." "I have my money Dada,handa akong magbayad matapos lang ang lahat ng ito, and after this s**t! i'm flying back to US...and stay there for good. "sabi ko at nauna ng lumabas.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

MAGDALENA (SPG)

read
31.2K
bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

His Obsession

read
104.8K
bc

Chasing his Former Wife- (Montreal Property 2nd gen.)

read
104.4K
bc

HIDING MY BOSS' HEIRS | SPG

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook