TYRA BUONG pamilya namin ay nakiramay kay Kuya Trevor. Ang pagkawala ni Kia ay isang dagok sa buhay ng aking kuya. "Bukas na ilibing si Kia. Wala pa rin ang kanyang kapatid," mahinang saad ko naman kay Nix. Pangatlong araw na nakahimlay si Kia. Halos wala pa akong tulog. Nandito na rin ang mga kuya ko at ang parents namin. "Don't expect her to come," sagot naman ni Nixus. "Why? Kambal niya si Kia." Nagkibit-balikat lang ang asawa ko sa akin. "Your Uncle Ox is here," aniya ni Nix. Agad naman ako tumayo at pinuntahan ang mga uncle ko. "Uncle Ox!" lumapit naman ako rito at niyakap ito. "Hey, how are you?" tanong ni uncle. Ngumiti naman ako. Sa dami ng mga kapatid nila daddy at halos kaedad na ng mga kuya ko. "Okay lang po. Si Uncle Fox po?" tanong ko rito. Kambal sina Uncle Ox at

