SNL 34

1381 Words

TYRA NAPAG-USAPAN na namin ni Nix na kausapin na namin ang parents ko kapag maayos na ang lahat. Sa ngayon, naging abala na ito sa paghahanap kay Serene. "Saan ka pupunta?" tanong ni Kuya Trevor. "May kausapin lang po. Si Kia po?" kunwaring tanong ko naman. Pero ang totoo, magkikita kami ni Kia sa labas. "Umalis. Pupunta raw ng palengke." "Sige po, kuya. Pakisuyo na lang po kay Axus." "Bakit hindi sa tatay niya ipabantay si Ax," nakasimangot na sagot ni kuya. "May inaasikaso lang ang asawa ko po. Salamat po, kuya," nakangiting sabi ko rito at umalis na. Tumawag naman sa akin si Kia at doon daw ako pumunta sa restaurant na pag-aari ng asawa ni Kuya Tiger. Hindi kami puwede mag-usap ni Kia dito sa bahay ni kuya dahil lagi ito nakabantay. "Kia." Ngumiti naman ang sister in law ko.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD