TYRA SA PAMILYANG meron ako, masasabi kong napakaswerte ko. Galing ako sa napakayamang pamilya. Prinsesa ang turing nila sa akin. Pero kahit anong ganda ng buhay na meron ako, hindi pa rin sapat sa akin. Sa edad kong labing-anim, nagmahal ako sa lalaking malayo ang agwat ng edad namin. Napakayaman niya rin. Pero balewala ito sa pamilya ko, lalo na sa aking daddy. Maraming nangyari sa buhay ko. Pero heto ako ngayon, na hindi ko akalain na maging masaya at nakasama muli ang lalaking pinakamamahal ko. "You look so serious. Any problem?" tanong ni Nix at niyapos ako. Ngumiti naman ako. Hinaplos ko ang napakakinis niyang mukha. "Mahal na mahal kita, Nix. Kahit naghiwalay tayo ng walong taon, wala pa ring nagbago." Malapad naman ang ngiti niya. "Actually, bago ka kinuha sa akin, kinausap ak

