[Seraphina Rivero] “SAAN mo ako dadalhin?!” tanong ko kay Rocket. “Hahanapin ako ng magulang ko. Dapat alas-sais pa lang ay naroon na ako sa bahay namin!” “I want to talk to you kaya kailangan kitang kidnapin.” “No! Iuwi mo ako sa bahay!” “Sige, sa bahay n’yo na lang para makilala ko ang future in-laws ko.” Matalim ang tingin na ipinukol ko sa kanya. “Anong in-laws ka r’yan! Hindi ka magugustuhan ng magulang ko. Ayaw nila sa babaero!” “E’di gagawa ako ng paraan para magustuhan nila. Saka hindi ako babaero.” Inis ako na tinalikuran siya nang simulan niyang paandarin ang kotse. Sa labas ako ng bintana tumingin. Panay ang himig niya at para bang alam niya kung saan ako ihahatid. Tahimik lang ako hanggang sa makarating kami sa tapat ng aking bahay. “Alam mo kung saan ako nakatira?”

