[Seraphina Rivero] AKALA ko ay maayos na ang buhay ko kinabukasan. I was surprised nang makita ko si Aki na may bitbit na kumpol ng bulaklak. Maaga pa rin siyang pumasok tulad nang nagdaang araw. Akala ko ay ibibigay niya iyon sa kapwa niya estudyante. Nabigla na lang ako na sa akin siya nakatingin na para bang ako talaga ang kanyang hinihintay. “Miss Rivero, this one is from my uncle.” Inabot niya ang bulaklak sa akin. Panay ang lingon ko sa paligid. Kumuha kami ng atensiyon. “Aki, ibalik mo ito sa iyong uncle.” “I’m sorry, Ma’am, but it’s already there. Hindi ko na po mababawi.” Pumasok siya sa loob ng classroom para makaiwas sa akin. Pinagtitinginan kami ng mga estudyante. Masasakal ko yata si Rocket sa panibagong kalokohan na naisip niya. Natatakot ako na baka isipin ng mga estudy

