[Seraphina Rivero] BAGYONG DOMENG. Hindi ko akalain na aabutan ako ng bagyong ito rito sa El Nido, Palawan. Partikular sa isla kung saan naroon ang bahay ni Rocket. Nakarinig ako ng mga ungol mula sa kanyang silid sa gitna ng gabi habang natutulog ako sa sofa. Malakas ang ulan sa labas. Binuksan ko ang pinto ng kanyang silid at nilapitan ko siya. Hinipo ko ang kanyang noo at napuna na mas mainit ang kanyang katawan sa oras na iyon kumpara kaninang hapon. Nangangatog din siya sa lamig. “Rocket, are you, okay?” Tinapik ko siya sa balikat. Nakatingin lang siya sa akin. Hindi ko alam kung nagdedeliryo siya. Kinuha ko ang kumot na gamit ko sa labas at idinagdag iyon para ibalot sa kanya. Sa palagay ko kasi ay wala na siyang ekstra pa sa bahay na iyon. Kapwa kami nilalamig at nakaramdam

