NAKAUPO ako sa buhanginan. It’s been five days, ngunit kataka-taka na wala pa ring bangka na bumabalik sa isla kahit pa nga may natatanaw naman akong iilan nito sa laot. I have to go home. Hindi ko na kasi nagugustuhan ang pagpapa-cute ni Rocket at paghalik-halik niya sa akin. Naroon siya at lumalangoy sa dagat habang ako naman ay nagdo-doodle sa buhangin kung saan ako nakaupo. “Sera! Come!” sigaw niya, inaaya ako na lumangoy rin. Kumaway pa ang loko. “I’ll stay here!” wika ko. Karamihan kasi ng kasuotan ko ay damit ni Rocket, nakakahiya na nakikigamit na nga lang ako ng kanyang T-shirt at shorts, mag-aaksaya pa ako. Ibinaba ko ang paningin sa aking ginagawa at nabigla na lang ako na nakasulat ang pangalan ni Rocket doon. Agad ko iyong binura. Ayokong mag-isip ang hudyo at baka magpad

