[Seraphina Rivero] NANG hindi ako kumilos ay muli niyang ibinalik ang kanyang labi sa akin, mas matagal. Mas naaamoy ko ang kape na ininom niya kanina. Nanlalaki na lang ang mata ko dahil tila ako binalot ng libo-libong boltahe mula sa halik na iyon. Lumayo rin naman ang kanyang mukha pagkatapos. He was smiling. “W-what did you do? Oh my God!” Natutop ko ang aking bibig. Naitulak ko si Rocket at saka nagmamadaling tumakbo pabalik sa loob ng kanyang bahay. Naiwan siyang naguguluhan. This is wrong. Kissing me was wrong! Ang pinakamalala ay nagugustuhan ko ang kanyang ginawa. It’s not… bad, but sweet. His lips were sweet and that is wrong. Rocket was different. Iba siya sa akin. Hindi ako ang tipo ng mga babae na nakakasama niya sa Maynila. Paano kung nagagawa niya lang ang bagay na i

