[Seraphina Rivero] “WHEN will you go back, Sera?” Ito ang tanong sa akin ng kaibigan kong si Mimi. Naroon ako sa transient house na tinuluyan ko. Naisipan kong tawagan siya para kumustahin ang magulang ko. “Mga isang buwan lang akong mawawala. Ikaw na rin ang bahala na mapaliwanag kay Head Teacher at kay Principal Macaraeg na hindi ako makaalis dahil sa dumating na bagyo.” Domeng was one of the strongest typhoons that hit the Philippines. Siguro naman ay maiintindihan nila ang dahilan ko. “Magpasalamat ka nga dahil dumating ang bagyo, madalas na walang matinong class schedule nitong mga nagdaang araw. Pero ano ba ang nangyari sa’yo d’yan na inabot ka na ng dalawang linggo? Bakit parang nag-e-enjoy ka na yata masyado at humaba ang bakasyon mo?” “I… I just love the place,” pagdadahil

